|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 37
Sa balangkas na "at di binayaang nagkapatidpatid ang aking hininga'y
kamataya't sakit", dahil sa pagkakapalit ng mga _ligazon_ at sa
pagiging "y" ng "ng", ang kiyas ay nawala, tumamlay at naging mawigwig
ang pangungusap; samantalang puspos ng ganda ang "at di binayaang
nagkapatidpatid ang aking hiningang kamataya't s�kit"!
[40] HUARAN. Hindi "houaran". Nararapat daliriin ang katagang ito,
upang samantalahin na ang pagdaliri sa madlang salitang sa aklat na
ito ay paibaiba ang pagkakasulat. Ang "buan", "catuiran", "lualhati",
"sasaqui�n", "nanaqui�t", "balaqui�t", "hain", "suli�p", "catau�n",
"qui�s", "masiasat", "d�at�", "mapataniag", "mag-adia", atbp., ay
pawang may mga "bagong damit na ibang-iba ang tabas sa piling ng
karamihang pawang tabas noong 1834"--na bagong kasisilang ang
"Florante". Ibig naming sabihi'y ang ganyang pagkakasulat--na ibang
ibang-iba sa karamihan--ay pawang gawa na lamang ng limbagan o ng
kahista, noong 1861. Hindi ganyan ang sa noong 1834. Ang "bouan",
"catouiran", "catao-an" atbp., ay siyang sa matandang paraan, na
ginamit ni Balagtas sa kabuuan ng aklat, at ang nangadaliri sa una ay
pawang kabaguhan na lamang sariling gawa ng kahista. Dito
napaghahalatang nang mga araw na yaong lumabas ang siping
ito--1861--ay nakikipangagaw na sa datihang paraan ang kaparaanang
inabutan at binago naman ng ating Rizal at nina Dr. Pardo de Tavera:
bagong kaparaanang siyang tinanggap at pinairal ng "Katipunan" at ng
Panghihimagsik, at sumapit hanggang sa mga araw na ito. Hanggang sa
mga araw na ito, ang aming sabi, at ito ay di tunay na wasto.
Napakarami ang mga kabaguhang nairagdag kina Rizal, nitong mga huling
panahon, at sa mga kabaguhang ito ay may napatay pa ang bagong pasok
ng mabunying Mariano Ponce, atbp. Ang pagbabagobagong dinanasan ng
ating Ortograpia ay isang bagay na napakalawig isaysay. Kaipala'y
walang ibang kahambing sa kasaysayan ng iba't ibang wika sa Daigdig.
At iyan ang tatangkain namin sulatin sa mga darating na araw. Lubhang
kailangan, na matalos ng lahat.
[41] "sa gau� at uica,i, d� mahuhulihan". Ganito rin, sa malas, ang na
kay De los Santos; nguni't sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay
"nahuhulihan" ang nasa mahuhulihan".
[42] "n~g magandang asal ng am� co,t, i�." Maliwanag na kamalian ng
kahista ang "i�", na dapat basahing "in�".
[43] "Ang pagcatutu co,i, anaqui himal�". Kay P. Sayo ay may
pang-ugnay na "y" ang "anaqui"; at ito'y mapaghahalatang mali. Ang mga
"anaqui" ni Balagtas ay di ginagamitan ng _ligazon_.
[44] "Minulan ang gal� sa pagsasayauan". Sa "Kun sino ..." at kay P.
Sayo ay nakalagay ang "galit" sa lugal ng "gal�", na tunay na
malingmali. Bakit magiging "galit" ang pagkakatuwa, na sinimulan sa
sayawan? Ang "gal�" ay isang salitang matanda, na ang kahulugan ay
"burco" (gaya ng pagkakastila ni De los Santos) o di kaya'y
"alborozo", "alivio" o "consuelo" sa wika ni Cervantes. Ang "gal�" ay
ang ingay na bunga ng kagalakan, ang pulot at gata ng pagkakatuwa at
paglilibang ng marami. Sa ibang kataga ay "gal�" rin ang aliw at
kaligayahan. Maaari na nating ituring, na patay na ngayon ang katagang
iyan. Kahinahinayang!...
[45] NIYAONG. Hindi "niyang", gaya sa iba. Isa rin iyang
"malabalagtas" na sukat, na labis man sa pagkakasulat ay di naman sa
pamimigkas.
[46] NIYARING. Sa "Kun sino ..." ay "yaring". Sadyang pinutlan
marahil, dahil sa labis na sukat--dahil sa ortograpia!
Isa pa ring "malabalagtas" na sukat iyan--na di nagpipitagan sa
"kumpas ng ortograpia" kundi sa "kumpas ng prosodia".
[47] "pailag-ilagang parang baselisco". Sa "Kun sino ..." ay "t" ang
nakaugnay sa "pailag-ilagan", na isang tunay na kamalian.
[48] "s�cat na ang titig na mat�y sa iy�". Ang "mat�y" ay naging
"mat�" kay P. Sayo, na may _ligazon_ "y"; at ang "namat�y sa iy�" ay
naging "ang matay sa iyo" sa "Kun sino ...".
[49] "sa Crotonang baya,i, ..." Kay De los Santos at sa "Kun sino ..."
ay "reino" ang nakalagay sa "bayan"; nguni'y kay P. Sayo ay bayan din.
[50] "ay magcacalisiy�". Sa "Kun sino ..." ay ginawang "magkakalisya".
Inalis ang "i". Dahil sa labis sa bilang ng pagkakasulat. At kay P.
Sayo, bukod sa iniklian na ay ginawa pang "n" ang "m".
[51] BUCAS. Sa iba ay "araw" ang nakalagay. Na isang kamalian. At
mali, sapagka't sa dakong unahan ay may ganitong saad: "Salamat at
niya�ng sa quinabucasan--hucbo co,i, lalacad sa Crotonang bayan";
kaya, tama ang "Dumating ang b�cas". Hindi dapat baguhin.
Previous Page
| Next Page
|
|