Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 36

[28] IPINABIGAY. Kay P. Sayo ay "ipinamigay", na isang tunay na
kamalian. Ang "ipinabigay" ay isang balangkas--na maaaring sabihing
"tatak Bulakan"--na gaya rin ng "pasuriin muna" ay di siyang karaniwan
sa ibang pook ng Katagalugan. Sa iba, ang "pasuriin" ay "k�suriin"; at
ang isa't isa ay anak ng "pakasuriin". Sa may dakong Bulakan ay "pa"
ng panglaping "paka" ang ginagamit, samantalang sa ibang dako naman ay
"ka".

Ang "ipinabigay" ay di nariringig sa ibang dako, kundi ang
"ipinakabigaybigay".

Hindi dapat kaligtaang ang "ka" ay siya ring ginamit nina Del Pilar,
sa pakling "Caiigat cayo!", bilang tugon sa munting aklat ni Fray
Rodriguez, na "Caiingat Cayo!" laban sa mga aklat ni Rizal at iba't
iba pa.

[29] DUQUE ADOLFO. Ang "duque" ay isang maliwanag na kamalian ng
limbagan. Si Adolfo ay "Conde". Hindi "Duque".

[30] "para n~g panagh�y ng nananambitan". Sa "Kun sino ..." ay gaya
ang nakalagay sa lugal ng "para"--na sa malas ay kusang binago, upang
wagasin ang pananagalog. Iginalang ni P. Sayo ang "para".

[31] "na ang uica,i, "Laurang aliu niyaring budh�". Sa "Kun sino ..."
ay ganitong kamalian ang nakalagay: "ang wika ay !Larawangaliw
niyaring budhi!" Napaghahalatang ang "Larawan" ay kamalian lamang ng
limbagan; nguni't kinusa ang pagkakagawa ng "ang wika ay" ... sa lugal
ng "na ang uica,i, ..." Kay P. Sayo ay wala ring "na", at ang "ay" ay
ginawang _ligazon_ at ikinabit sa "wika".

[32] "nan~gaca-tin~gala,t, parang naquinyig". Pilay. Maliwanag na
kamalian ng limbagan ang "naquinyig". Dapat basahing "naquiquinyig".

[33] GAPUS. Sa "Kun sino ..." ay "gapos" at kay P. Sayo. Ang "gapus",
na katimbang ng "nakagapos", ay siyang tumpak.

Sa sinusundang talata, ang katagang "mahapis" ay nakalagay na
"mahahapis" kay P. Sayo. Kaya, naging labis.

[34] "Nang matumbasan co ang l�h�, ang s�quit". Sa iba ay ganito
naman: "Nang matumbasan ko ang luha nang sakit". Ginawang "ang luhan
nang sakit" ay pagkagandagandang "... ang l�ha, ang s�quit".

[35] CALULUNURAN. Sa "Kun sino ..." ay "kalunuran" ang nakalagay;
kaya, naging pilay. At ang "pagcatung�" ay "pagkatungo" naman kay P.
Sayo. Tumpak ang "pagcatun~g�", pagka't "tun~g�" at di "tungo" ang
ibig sabihin. Pantay-mata na ang pagkakatung� ng araw. Inilalarawang
parang isang taong napakataas ang araw, at noong tumun~g� ay abot sa
pantay-mat� ang lagay ng kanyang ulo. Napakagandang larawan!

[36] "ang sa pagcatali,i, liniguid n~g hirap". Ganito rin kay De los
Santos at kay P. Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay ganito naman--na
ayon sa patotoo ng anak ni Balagtas ay mali--: "yaong natataling
linigid ng hirap". Sa malas ay walang malaking kaibhan ito sa nauna;
nguni't nagkakaibang totoo. Sa una ay kay liwanag na ibinabadhang ang
hirap na lumiligid sa nakatali ay anak ng pagkakatali, samantalang
dito sa huli ay di maliwanag na ganyan ang ibig sabihin.

[37] "sa nan~ga-calabang maban~g�s na hayop". Ganito rin ang na kay P.
Sayo; nguni't sa "Kun sino ..." ay ganito naman: "sa mga kalabang
mabangis na hayop". Ginawang "mga kalaban" ang "nangacalaban".

[38] "Halos nabibihay sa hab�g ang dibdib". Sa iba't iba ay pawang
"nabibihag"--sa lugal ng "nabibihay"--ang nakalagay. Na, isang tunay
na kamalian. Tama ang "bihay". Sinsay ang "bihag". At ang kahulugan ng
"bihay"--na isang salitang lipas na ngayon--ay "punit", bagama't
lalong matindi sa rito. Sa ngayon ay katimbang na ng "waray".

[39] "ang aquing hinin~gang camataya,t, s�quit". Sa Kun sino ..." ay
ganito ang nakalagay: "ang aking hininga, kamataya't s�kit". Kay De
los Santos ay ibang-iba: "no permitiste que trizas hicieran--de mi
cuerpo, vida y padecimientos" ang pagkakastila niya sa "at di
binaya-ang nagca-pat�d-pat�d--ang aquing hinin~g�ng camataya,t,
s�quit". Napakalaya ang pagkakakastila. Nagkaroon ng "cuerpo"
(katawan)--na pinalitaw ng "trizas"--at nawalan ng "camatayan"
(muerto).

Kay P. Sayo naman ay ganito: "ang aking hininga'y kamataya't s�kit".
Ito at ang sa "Kun sino ..." ay di wasto. Sapagka't ang isinisisi ay
kung bakit di pa pinaubayaang nagkapatidpatid ang kanyang hininga, na
isang hiningang tunay na kamatayan at sakit.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 22nd Dec 2025, 6:04