Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 35

At yamang napag-uusapan na rin lamang ang kawalang ingat ng limbagan,
o lalong maliwanag, ng kahista, ay daliriin na natin ang maraming
kamalian. Daliriin ang ukol na lamang sa pagkukudlit ("acentuaci�n
ortogr�fica"), at huwag na ang sa ibang bagay--yamang matutukoy na rin
lamang natin sa mga ibang paliwanag. At upang huwag na tayong
mag-aksaya ng maraming panahon--yamang kay liwanag namang napupuna ng
matatalin ng mangbabasa--ay tingnan na lamang natin ang sa mga tulang
sumusunod:

"Datapua,t, sino ang tatar�c cay� sa mah�l mong lihim Dios na daquil�?
ual�ng mangyayari sa bal�t ng lup� d� may cagalin~gang iy�ng ninanas�.

Sa halimbawang ito--at sa marami pang sagana sa aklat--ay
mapagkikilalang noon pa man ay alam na ang halaga ng bawa't kudlit at
kung paano ang tumpak na paggamit. Salakot (capucha o circunflejo) ang
ilinagay sa "cay�", sapagka't bigla at paimpit ang pagbigkas dito. Ang
salakot ay siyang kayarian ng kudlit na pabigla (agudo) at ng paimpit
(grave o gutural). At sapagka't pawang hindi pabigla, kundi paimpit
lamang, ang pagbigkas sa dulo ng tatlo pang talatang
kasunod--"daquil�", "lupa" at "ninanas�" ay kudlit na banayad lamang
ang ginamit.

Nguni't masdan natin ang mga sumusunod:

"Sa loob at labas, n~g bayan bayan, cong saw� caliluha,i, siyang
nangyayaring har� cagalin~ga,t, bait ay nalulugam� inin�s sa h�cay
nang dusa,t, pighat�".

"Caliluha,t, sam� ang �lo,i, nagtay� at ang cabaita,i, quimi,t,
nacayuc�, santong catouira,i, lugami at hap� ang l�ha na lamang ang
pinatutul�.

"S�cat na ang tingn�n ang lugaming any� nit�ng sa d�lita,i, hindi
macaquib�? aacaing bigl�ng umiy�c ang p�s� cong ual� nang l�hang sa
mata,i, it�l�".

"!Ay Laurang poo,i,! �baquit isinuy� sa iba ang sintang sa aqui
pangac� at pinag liluhan ang tap�t na p�s� pinang-gugulan mo nang
l�hang tumul�?"

"Dusa sa puri cong c�sang siniphay�, palasong may lasong natiric sa
p�s�; hab�g sa Ama co,i, t�nod na tumim� aco,i, sinusunod niyaring
panibugh�".

Sa limang ito ay kay liwanag na napagkikilala ng dadalosdalos ng
kahista. Sa unang halimbawa ay ginamit ang salakot, sa lahat na,
gayong hindi nararapat sa ikalawa at ikatlong talata. Napagkikilalang
huwag na di magkaroon lamang ay di na kailangan kahi't papaano.

Gayon din ang ginawa sa ikalawa at ikatlo: pawang salakot din, gayong
hindi dapat sa katapusang talata ng ikalawa at sa ikatlo't katapusang
talata ng ikatlong halimbawa.

Sa ikapat na halimbawa--na pawang natatapus sa banayad na paimpit--ay
nasangkapan ng "gutural" o "grave" ang dalawang nauunang talata;
nguni't pagdating sa ikatlong talata at sa katapusan, dahil marahil sa
sa wala nang madampot na "gutural" ay isinumpal na ang bigla (agudo),
kahi't na paano.

At sa katapusang halimbawa ay panay namang "grave" ang ginamit, kahi't
hindi nararapat sa katapusang talata. Siyang nadampot niya, at siyang
ilinagay.

Kaya, sa bisa ng ganyang kagagawan, ang "puso" ay napalagay na "p�s�"
sa ikatlong halimbawa, "p�s�" sa ikapat at "p�so" sa ikalima. At ang
"tulo" naman ay napalagay na "pinatu-l�" sa ikalawang halimbawa,
"i-t�l�" sa ikatlo at "tumul�" sa ikapat.

[26] NAHIHIMBING. Sa "Kun sino ..." ay "nalilib�ng"; nguni't kay De
los Santos at P. Sayo ay "nahihimbing" din.

[27] INA-ING-AING. Sa iba ay "dinaingdaing". Napaghahalatang kusang
binago, pagka't sa mga bata na lamang ngayon nariringig ang ganyan. At
marahil ay sa bisa ng paniwalang mali iyan, kung kaya binago. Nguni't
ang katagang iyan ay di mali. Matanda na nga lamang at lipas na. Buhat
sa "inaing", na ang laman ng idinaraing ay "ina", gaya naman ng
"aying" na "ay" ang nagiging laman ng pagdaing.

Ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng Makata, ay talagang
"ina-ing-aing" ang na sa matandang "Florante". Hindi "dinaing-daing."

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 22nd Dec 2025, 4:13