Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 34

Kung sa bagay ay tunay ngang napakaselan sa bilang ang tulang tagalog.
Walang pagtatalo ukol dito. Nguni't may isang pasubali, na sa palagay
namin ay dapat pagkaisahan ng lahat, upang alang-alang din sa
katamisan ng tulang tagalog ay palayain, sa gayon at sa ganitong
pagkakataon, ang lipad ng tula. Hindi sa tuwituwi na'y "bilang ng
pantig sa pagkakasulat" ang paghahariin, kundi ibigay naman sana, sa
manakanaka, ang kapangyarihan sa "bilang ng pamimigkas". Ibig naming
sabihi'y "pantig ng pamimigkas" (tawagin nating "s�laba pros�dica")
ang papamaibabawin sa "pantig ng pagkakasulat" (tawagin naman nating
"silaba ortogr�fica"), kailan ma't magkakalaban sa harap ng Katamisang
dapat maghari lagi na.

Si Balagtas, na di mapag-aalinlanganang sa tamis at lambing, sa tingig
at aliw-iw na walang kasingsarap ng kanyang mga tula, unang utang ang
kanyang ikinatangi at ipinaging Hari sa panunula, ay maraming
halimbawang iniwan, upang maging saligan ng pagsusuri at pagkakaisa ng
lahat. Bukod sa "at niyaring nasapit na cahab�g-hab�g" ay nariyan pa
ang: "na ang lilim niya�n ay nacasisind�c", "ang bunt�ng hining�
niya�ng nagagapus", "ipinaghaguisan niya�ng mga lilo", "ang
pananambitan niya�ng natatali", "anhin mang touirin ay magcacalisiya"
at ilan pa sa "Florante at Laura"; saka "Dalita,i, sumira niyaring
pagtitiis" sa "Labing-dalauang S�gat nang P�so", bukod pa sa "Dusang
di maampat niyaring mga mat�", atbp. Ang "iya" sa "niyari", "niya�n"
at "nagcacalisiya ay pinapagdaraang parang isang pantig lamang, kung
minsan. Marahil ay sapagka't kung minsa'y nagiging "isang pantig
lamang sa pamimigkas". Bakit ay di naman nakasusugat sa pangdingig.

At kahambing ng "iya"--na naaaring gawing isa sa pagbigkas kahi't
dalawa sa pagkakasulat--ay maaari rin ang "iyo". Gayon din, at maaari
ring pagkaisahan, ang ukol sa "uwa", manakanaka. Maaaring palayain ang
makata, maminsanminsan, kailan ma't di makasusugat sa pangdingig.
Bigyan laya nga; at ang ganito ay hindi naman sapilitan. Lumaya ang
may ibig, at huwag naman ang ayaw.

At ang ganyang kalayaan--na di pangsugat sa taynga--ay lalong mabuti
kay sa kalayaang ginagamit na sa pagpapaikli. Pinaiikli, at iniwawasak
pati ng tumpak na pagkakasulat ng salitang ibig paikliin, magkaroon
lamang ng suk�t na bilang sa ortograp�a. Gaya ng kung minsan ay
ginagawa sa "kailan". Pinipilit na palabasing dalawang pantig lamang
ito sa pagkakasulat, sinisira ang ugat, ginagawang "kaylan"--na tila
baga kung isulat at siraing ganito ay tama na at hindi na labis.
Ganyan din ang ginagawa sa "kailangan" at sa "mayroon", sinisira at
isinusulat ng "kaylangan" at "mayron"--gayong paano man ang gawin, ang
"kaylan" at ang "kaylangan" at "mayron ay lumalabas din, sa
pangdingig, na "kailan" "kailangan" at "mayroon". At ang ganyan ay
hindi isang "kalayaan" kundi tunay na "kaalipnan". Kaalipnan sa
Ortograp�a! Pangsira sa pangdingig, ano man ang gawin.

Diyan mapaghahalatang may mga pagkakataong nagiging makapangyarihan,
sa ilang pagkakataon, ang pantig ng pamimigkas" kay sa "pantig ng
pagkakasulat"; at talagang ganito naman ang dapat mangyari. Diwa at
kaluluwa ng tula ang tingig, ang aliw-iw. Nasa aliw-iw at tingig ang
musika, na siya na rin ngang tunay na tingig at aliw-iw. At ang musika
at lambing, ang sarap at ang tamis ng pamimigkas ay siyang "pulot at
gata" ng tula. Hindi ang ortograp�ang "pipi at bingi".

[22] "maauaing Langit". Sa lahat nang nasa harap namin ngayon ay
ganito ang sinasab�; nguni't isang ginoong nabanggit na namin sa
unahan, Cecilio Rivera, ay nagsabi, noong 1906, na iyan daw ay mali.
Ipinahahalata niyang sa" lugal niyan ay "tumutungong langit" ang
nakalagay. Nguni't nasabi na nga naming: sa lahat na ay ganyan ang
nakalagay. Ganyan din ang nakalagay sa "Florante" ng isang sumulat ng
ilang lathala ukol sa bagay na ito--noon ding 1906--at nagtago sa
pamagat na "Crisantemo", taga Lalaguna at nanirahan sa Marinduke.

[23] "iyong tinutungha,i, ano,t, natitiis?" Sa "Kun sino ..." ay
"tinutungh�y" ang nakalagay, at gayon din kay P. Sayo. At iyan ay
naging sanhi rin ng pagtatalo, noong araw. Nguni't walang ibang tumpak
kundi ang "tinutungha,i," (tinutunghan, na may ligazon "i" o "y",
pinaikling "tinutunghan", at umuri sa "tun~go"). Ang "tinutunghay" ay
di tama: dapat gawing "tinutunghayan". At labis naman kung ganito.

[24] DIN~GIGUIN. Sa iba ay "dinggin"; kaya, pilay ang tula. Sa
"Florante" ni G. C. Rivera ay "dingigin" din.

[25] VOSES. Sa "Kun sino ..." ay "boses", na kusang isinulat na
ganito, upang itugma sa bagong ortograp�a natin. Nguni't kay P. Sayo,
na nagbago rin ng pagsulat, ay pinapanatili ang datihang "voces". Sa
aklat na ito ay nakikitang ang "voses" na iyan ay lumilitaw ring
"voces" kung minsan--na isa pang katunayan ng kawalang ingat ng
limbagan.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 22nd Dec 2025, 2:35