Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 33

Nariyan ngayon ang isang bagay, na dapat liwanagin. Alin kaya riyan
ang totoo? Ang "kinalalagian" o ang "kinalalagyan"? Maimamatuwid, na
labis ang pantig ng "kinalalagian", kaya tama ang "kinalalagyan";
subali't maimamatuwid namang labis din ang kasunod na talata,
labingtatlo rin ang "binabacas co rin sa masayang doongan", nguni't
iginalang ito at di iniklian. Mapaghahalatang susog diya'y mali ang
"kinalalagyan", at "quinalalagui-an" ang tunay na ibig sabihin ni
Balagtas, pagka't "lagi" na sa Makating ilog si Celia, at siyang ilog
na liniligawan ng Makata. At ayon kay G. Victor Baltazar, anak ng
Makata, ay "quinalalagui-an" nga ang tama sa natatandaan nilang
magkakapatid.

[8] "aquing camatayan". Hindi "lalong kamatayan", gaya ng nasa "Kun
sino ..." Sa hawak ni De los Santos ay ganito rin: "tu memoria es mi
muerto". At siya ring nasa kay P. Sayo.

[9] "dica mapaparam". Sa ingat ni De los Santos ay napaghahalatang "di
ka napaparam" ang nakalagay, gaya ng na kay P. Sayo at sa "Kun sino
..."

Ang pagkakasulat ng "dica" ay isang maliwanag na kamalian, na kay
damidaming kasama sa aklat na ito, sa kasalanan ng limbagan. Ang mga
gaya niyan--paris ng "dipa" (di pa), "dico" (di co), "cona" (co na),
"copa" (co pa), "mona" (mo na), atbp., ay mga kamaliang sagana sa
aklat. Pinapagsasama ang mga salitang tig-isang pantig, at may mga
salita namang ginagawang parang dalawa o higit pa, kung minsan.

[10] "sa mahal mong yapac" at di "sa bakas ng yapak", gaya ng nasa
"Kun sino ..." Kay P. Sayo ay "sa mahal mong yapak" din. Gayon din kay
De los Santos.

[11] "hangad na lumauig". Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay naging
"ang" ang "na".

[12] "Bago mo hatulang catcatin at lico". Sa iba ay ganito naman:
"Bago mo hatulan katkatin at liko"; walang pang-ugnay o _ligazon_ "g".
Kaya, naging garil.

[13] "luasa,t, hulo". Kay P. Sayo ay "lasa,t hulo"--na isang
maliwanag na kamalian. Ang "luasa,t, hulo" ay kahambing ng "puno't
dulo". At ang ibig sabihin ay pakasuriin muna mula sa puno hanggang sa
dulo, bago lapatan ng hatol.

[14] "ang mata,i, itingin". Walang "ang" sa "Kun sino ..."

[15] "� nanasang pant�s". Ganito rin ang kay P. Sayo; nguni't sa "Kun
sino..," ay ginawang ganito: "oh, nanasang pantas!" Ayon sa pagsulat
natin ngayon. Nguni't ang ganitong pagbabago ay nakaligtaan sa dakong
unahan: ang "� nanasang irog" ay hindi binago. Hindi ginawang "�h,
nanasang irog!"

[16] DINIDILIG. Sa "Kun sino ..." at kay P. Sayo ay "nadidilig".

[17] "Bagong taoung basal, na ang anyo,t, tindig". Sa iba ay "Bagong
taong basal, ang anyo at tindig".

[18] CASAM AN. Sa "Kun sino ..." ay "kasamaan", na nakasira sa bilang
ng pantig.

[19] "O tacsil na pita sa yama,t, mata�s!" Itong huling kataga ay
naging sanhi ng isang pagtatalo noong araw. May nagsasabing
kasingkahulugan ito ng "m�pataas" at may nagsasabi namang katimbang ng
"matayog", kasalungat ng "mababa"; nguni't sa paano,t, paano man ay
tama, at siyang ibig sabihin ni Baltazar, ang pagkakakastila ni De los
Santos, na "poder"; lakas, kapangyarihan.

[20] "ng casam�ng lahat". Sa "Kun sino ..." ay lumabas namang
"kasam-an", gaya ng nakasulat sa ika 18. "Casam-an" doon at "casam�n"
dito. Isa pang katunayan iyan ng kawalan ng iisang tuntunin sa
pagsulat. Kaya, kung minsan ay mababasa nating "catao-an" ang
"katawan", at kung minsan naman ay "catau�n" o "cataoan", gaya rin
naman ng "catouiran", na kung minsan ay "catuiran", atbp.

[21] "at niyaring nasapit". Ganito rin ang kay De los Santos at ang sa
isang ginoong nagngangalang Cecilio Rivera; subali't ang sa "Kun sino
..." at kay P. Sayo ay nawalan ng "at". Napaghahalatang kusang inalis,
upang maging suk�t ang bilang ng pantig. Labis nga naman sa
labingdalawa ang may "at". Kaya, inalis ito.

At nariyan ang sa palagay namin ay isang kamalian pa hanga ngayon ng
tanang manunula ngayon. Pawang matapat, halos ay bulag, at walang
kapasupasubaling lingkod at alipin ng bilang ng mga pantig sa
pagkakasulat. Ipinaaalipin sa Ortograp�a pati ng tingig at aliw-iw ng
tula, at walang kalayalaya ang lipad ng diwa at pitlag ng kaluluwa.
Hindi makalayo sa bilangguan ng Ortograp�a; at "di kailangang maging
pilay man sa pangdingig, huwag lamang maging kulang o maging labis sa
kumpas ng Ortograp�a".

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 22nd Dec 2025, 0:25