|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 32
MGA PALIWANAG
[1] NANGYAYARI. Hindi "nangyari", gaya n~g nasa "Kun sino ang kumatha
ng Florante" at ng sa (1906) iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera. Sa
palimbag ni G. P. Sayo balo ni Soriano, nang 1919, ay "nangyayari" rin
ang nakalagay, gaya rin ng inihayag ng pahayagang "Katwiran"--dahong
tagalog ng tagapamansag ng mga naging pederal o progresista--noong
Oktubre ng 1903.
[2] "Cong pag saulang cong basahin sa isip". Sa palimbag ni P. Sayo ay
ginawang: "Kung pagsaulan cong basahin sa isip", at ganito rin ang sa
"kung sino ..." Ang "cong" sa unahan ay ginawang "kung", at ang "pag
saulang cong" ay itinumpak sa wastong kaparaanan ng pagsulat ngayon.
Pinagsama ang dapat pagsamahing "pag" at "saulan", at inalis ang
pang-ugnay o _ligazon_ "g" sa dulo nito, na isang kasagwaan na ngayon,
dahil sa "ko" ang sumusunod. Nguni't magpahanga ngayon ay buhay pa
ang ganyang kasaguwaan sa ilang manunulat. Kaya, malimit makita ang
ganitong mga pangungusap: "kaibigang ko", "pinsang mo", "pamangking
ko", "Amaing niya". Aywan kung bakit linalagyan ng _ligazon_ "g",
gayong kung hindi sa "n" natatapus ang salita ay hindi naman
linalagyan. Hindi masabi kundi "kapatid ko", "tula ko", "irog mo",
"kasama niya". Walang ano mang _ligazon_. Nguni't kapagkarakang naging
"n" ang katapusan ng salita ay narito na agad ang "paglalaro ng dila"
at masagwang paggamit sa pangpagandang _ligazon_. Ang _ligazon_ o
pang-ugnay ay pangpaganda lamang, pang-alis ng kagarilan; nguni't
kapag naman sumagwa ay nagiging tunay na kagaguhan, sa pangdingig
natin ngayon.
Ukol sa "pag" at iba't iba pang panglapi ay walang iisang tuntunin ang
nangauna sa atin. Kung minsan ay ikinakabit, nguni't ang malimit ay
hiwalay. Hindi dapat kaligtaang "pag" na panglapi ang aming tinutukoy.
Hindi ang pangsubaling "pag", na may sariling kahulugan, at tunay na
isang kataga. [1919] "Pag umulit ka pa ay ikaw ang bahala!" Ang "pag"
na iyan ay di dapat ikabit sa alin man. Pagka't hindi panglapi. Ang
lahat nang panglapi--pag, nag, mag, mang, ka, na, pa, um, in, an,
atbp.--ay di dapat ihiwalay. Subali't nang panahong yaon nina Balagtas
ay isinusulat kahi't na paano, mapakabit man o mapahiwalay sa dapat
kapitan. Kaya, hindi katakatakang makita ang mga ganitong
pagkakasulat: "pag saulan", "nag-iisa", "pagsuyo", "pagsint�", "mapag
uunaua", magpahangang libing", "pag luha, "mag pahangang daong", "pag
sint�", "pagca gapus", "pagca-b�hay", "pinag liluhan", "is�ng na aba,"
"pag ayop", atbp.
[3] MACALIGTAANG CO ... Narito na naman ang isang kasagwaan na ngayon,
bagama't magandang pakinggan noong araw. Kaya, itinumpak at ginawang
"nakaligtaan ko" ng "Kun sino ..." at ni P. Sayo. Marami ang
makikitang ganito sa aklat na ito--na sakali mang hindi kasagwaan,
nang panahon ni Balagtas, ay itinuturing na nating isang kasagwaan,
sapagka't nakasusugat na sa pangdingig ngayon.
May palagay kaming sa loob ng ilang panahon ay mawawala na sa pagsulat
ang ganyang kasagwaan sa _ligazon_, gaya ng pagkawala ng mga
sumusunod, sa halimbawa: "kanya nga" sa lugal ng "kaya nga",
"bungmalong" sa lugal ng "bumalong", "kungmain" sa lugal ng "kumain",
"maselang"' sa "maselan", "kungdi" sa "kundi", atbp.
[4] CONDI. Ginawang "kundi" ni P. Sayo at ng "Kun sino ..." ayon sa
bagong pagsulat natin. Sa aklat na ito ay makikita ang paibaibang
pagkakasulat sa salitang ito: kung minsan ay "condi" at kung minsan
naman ay "con di" at "cundi". May palagay kaming ang ganitong
pagkakaibaiba ay sa kasalanan na lamang ng kahista.
[5] ILINIMBAG. Ganito rin ang nasa kay P. Sayo; subali't sa "kung sino
..." ay lumabas na "inalimbag". Ito ay katulad din ng "inilimbag", na
kasamahan ng "nilimbag", "nilagda", "nilitis", "inilibing",
"inilagay", atbp., na pawang nasa di pangkaraniwang balangkas,
subali't hindi kabalbalan. Karaniwang makita sa mga salita nating ang
ugat ay nagsisimula sa "h", sa "l" at sa "w" at "y".
[6] "at di mananacao". Kay P. Sayo ay ganito rin. Hindi "na di
mananakaw" gaya ng nasa "Kun sino ..." At mapaghahalatang ayon sa
pagkakakastila ni G. Epifanio de los Santos sa "Florante", na anya'y:
"y que no ser� robada" ay "at" din at di "na", ang nasa sulat-kamay ng
"Florante" niyang inihulog sa tagalog--sulat-kamay na ayon din sa
kanya ay sipi sa lumabas noong 1853.
[7] QUINALALAGUI-AN. Sa "Kun sino ..." ay kinalalagian" din ang
nakalagay; subali't sa palimbag ni P. Sayo ay "kinalalagyan", at
ganito rin sa malas ang kay De los Santos--pagka't "en el Makati r�o
donde se reflejaba" ang pagkakakastila niya. Ang "reflejaba", bagama't
di siyang katumbas ng "kinalalagyan", ay siyang tanging maikakapit
dito, upang maging maganda ang pangungusap, palibhasa'y kawangis din
ng "kinalalagyan" o "kinalalarawanan" ang "kinalalagyan"; samantalang
hindi maikakastila sa "kinalalagian".
Previous Page
| Next Page
|
|