Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 23

Nang malutas ya�ng pagsasalitaan,
ay ual� na ac�ng camahad-licaan,
caloloua,i, gulo,t, p�so,i, nadarar�ng
sa nin~gas nang sintang bago cong naticm�n.

Tatl�ng arao noong piniguing nang Har�
sa Palacio Real na sa yama,i, buny�,
ay d� nacausap ang p�nong pighat�
na ina asahang ilulualhati.

Dito co naticm�n ang lalong hinagp�s,
higu�t sa d�litang na unang tini-�s,
at binula-ang co ang lahat nang s�quit,
cong sa cahirapan mul� sa pag ibig.

Salamat at niya�ng sa quinabucasan
hucb� co,i, lalacad sa Crotonang bayan,
sandal�ng pinalad, na nacapanayam
ang Princesang nihag niyaring catauhan.

Ipinahayag co nang uicang ma-irog,
nang bunt�ng-hinin~g�, l�h� at himut�c,
ang matinding sintang iquina-lulunod
mag-pahang�n n~gayon nang b�hay cong cap�s.

Ang p�song matibay nang himal�ng diqu�t
nahamb�l sa aquing malumb�y na hib�c
dangan ang caniy�ng catutubong bait
ay humadl�ng, disin sint� co,i, nabihis.

N~guni,i, cun ang �-o,i, d� man binitiuan
naliuanagan din sintang nadidiml�n
at sa pag-panao co ay pinabauanan
nang may hiyang perlas na sa mat�,i, nuc�l.

Dumat�ng ang bucas nang aquing pag-al�s[51]
�sino ang sasayod nang bumugs�ng s�quit?
�dini sa p�so co,i, al�u ang hinag-p�s[52]
na hind� nagtimo nang caniyang c�liz?

�May s�quit pa cayang lalalo nang tind�
sa ang sumisinta,i, maualay sa casi?
guni-gun� lamang d� na ang mang-yari,
s�cat icalugm�c nang p�song bayani.

�O nangag-aalay nang maban~gong su�b
sa daquilang altar ni Cupidong Dios
sa dusa co,i, cay� ang nacatatar�c,
niya�ng man~gulila sa Laura cong irog!

At cundi sa l�hang pabaon sa aquin
namat�y na muna bago co na-at�m
d�sang d� lumicat hangang sa dumat�ng
sa bayang Crotonang cubc�b nang hilahil.

Cuta,i, lulugs� na sa bay�ng madal�s
nang man~ga maquinang talag�ng pang-ualat
siyang paglusob co,t, nang hucbong aquibat
guinip�t ang digm�ng cumubc�b sa Ciudad.

Dito,i, ang masid-h�ng lubh�ng camatayan
at Parcas Aropos ay nagdamd�m pag�l[53]
sa pag-gapas nila,t, pagquit�l nang b�hay
nang nag-hihin~gal�ng sa dugo,i, nag-lutang.

Naquita nang p�ling general Osmal�c
ang aquing marah�s na pamimiyapis
pit�ng sus�ng hanay na d�lo nang c�liz
uinahi nang tab�c nang aco,i, masapit.

Sa caliua,t, c�nan niya,i, nalagal�g
man~ga soldados cong pauang mararah�s
lumapit sa aquin mat�,i, nagninin~gas
halica aniya,t, quita ang maglamas.

Limang oras caming hind� nag-hiualay
hangang sa nahap� ang bat� nang tapang
nag-lucs� ang lan~git nang aquing mapat�y
hab�g sa guerrerong sa mundo,i, tinac-h�n.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sun 21st Dec 2025, 4:53