Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 24

Siya nang pagsilid nang pan~gin~gilabot
sa calabang hucb�ng parang sinasalot
nang pamuc-s�ng tab�c ni Minandrong bant�g;
ang campo,t, victoria,i, napa-aming lub�s.

Tagump�y na ito,i, pumau� nang lumb�y
nang man~ga nacubc�b nang casacuna-an
panganib sa p�so,i, nagu�ng catoua-�n;
ang pint� nang Ciudad pagdaca,i, nabucs�n.

Sinalubong cam� nang Haring daquil�
casama ang boong bayang natimaua
ang pasasalamat ay d� ma-apula
sa di magca-uast�ng nagpupuring dil�.

Ya�ng bayang hapo,t, bagong nacatigh�o[54]
sa nagb�lang bangis nang man~ga ca-auay
sa pagca-timau� ay nag-aagau�ng[55]
m�lapit sa aqui,t, dam�t co,i, mahagc�n.

Sa lac�s nang hiyao nang famang matabil[AK]
_vivang_ dugt�ng-dugt�ng ay naquiquisaliu
ang gulang _salamat nagtang�l sa amin_.
dinin~gig sa Langit n~g m~ga bituin.

Lal� na ang tou� nang aco,i, matatap
na ap� nang hari nilang liniliyag
ang monarca nama,i, d� munt� ang gal�c
l�h� ang nagsabi nang ligayang gan�p.

Nagsi-aki�t cam� sa palaciong bant�g
at nangag-pahin~g� ang soldadong pag�d,
dapoua,t, ang baya,i, tatlong arao halos
na nacalimutan ang gau�ng pagtulog.

Sa ligaya namin nang nun� cong har�
naquipag-itan din ang lilong pighat�
at ang pagcamat�y nang Ina cong pil�
malaon nang lant�,i, nanariuang mul�.

Dito naniuala ang bat� cong loob
na sa mundo,i, ualang catoua-�ng lub�s,
sa minsang ligaya,i, tal� nang casun�d,
macapit�ng lumb�y � hangang matapos.

Magu�ng lim�ng bou�n ac� sa Crotona
nag-pilit bumal�c sa Reinong Albania
�di sinong susum�ng sa acay nang sint�
cun ang tinutun~go,i, lalo,t, isang Laura?

Sa gay�ng catulin nang aming paglacad
nai-inip aco,t, ang n�sa,i, lumip�d,
�ab�,t,! nang matanao ang mu�g nang Ciudad,
cumut�g sa aquing p�so,i, lalong h�rap!

Cay� pal� gayo,i, ang nauauagay-uay
sa c�ta,i, hind� na bandilang binyagan
cund� Medialuna,t, Reino,i nasalacay[AL]
ni Alad�ng s�lot nang pasuquing bayan.

Ang aca,i, cong hocbo,i, c�sang pinahimpil
sa pa� nang isang bund�c na mabang�n,
d� caguinsa-guinsa,i, natanau�n namin
pulutong nang morong lacad ay mahinh�n.

Isang bini-bini ang gap�s na tagl�y
na sa damd�m nami,i, tangc�ng pupug�tan
ang p�s� co,i, l�long na-ipit nang lumb�y
sa gunit�ng bac� si Laura cong b�hay.

Cay� d� napiguil ang �cay nang lo�b
at ang man~ga moro,i, bigla cong linusob,
�palad nang tumacb� at hind� natapus,
sa aquing pamuc-s�ng c�liz na may po�t!

Nang ual� na ac�ng pagbuntuh�ng g�lit
sa di macaquib�ng gap�s ay lumapit,
ang taquip sa muc-ha,i, nang aquing i-alis
�ab� co,t, si Laura! �may lal� pang s�quit?

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sun 21st Dec 2025, 6:52