Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 22

Ac�,i, ualang sag�t, na na-ipahayag
cund� "_Haring poo,t,_" nagdap� sa yapac,
nang aquing hahagc�n ang mahal na bac�s,
c�sang itinind�g at mul�ng niyacap.

Nag-upu�n cami,t, sac� nag panay�m
nang balabalaqui,t, may halag�ng bagay,
nang sasalit�n co ang pinag-daanan
sa bayang Atenas na pinangalin~gan.

Siyang pamimit�c at c�sang nag sabog
nang ningning, ang t�lang ca-ag�o ni Venus,[AI]
anaqui ay bagong umahon sa b�bog,
buh�c ay nag lugay sa perlas na b�toc.

Tou�ng pan~galau� cong hind� man Lan~git
ang itinapon nang mahinhing titig,
� ang lualhating b�c� nang ninibig
pain ni Cupidong ual�ng mac�raquip.[AJ]

Liuanag nang muc-h�,i, ualang pinag-ibhan,
cay Febo cong any�ng bagong sumisilang,
catao-ang butihin ay timb�ng na timb�ng
at mistulang ayon sa hinh�n nang �sal.

Sa caligayaha,i, ang nacaca-ayos
bulacl�c na bagong uinahi nang ham�g,
anopa,t, sino mang pal�ring mano�d
p�tay � himal� cong hind� umirog.

It� ay si Laurang iquinasisir�
nang pag-iisip co touing magunit�,
at dahil nang tan�ng himut�c at luh�
itinutuno co sa pagsasalit�.

Anac ni Linceong haring napah�mac,
at quinabucasan nang aquing pagl�yag:
baquit itinulot lan~git na mata�s,
na mapano�d co, cong d� ac� dapat?

�O haring Linceo cong d� mo pinilit
na sa salitaan nati,i, maquipanig
ang b�hay co disi,i, hind� nagcas�quit
ngayong pagliluhan nang an�c mong ibig!

Hind� catoto co,t, si Laura,i, d� tacs�l
�aiuan cong ano,t, lumimot sa aquin!
ang p�lad co,i, siyang alipusta,t, linsil
di la�ng magtam� nang tou� sa guiliu.

�Macacapit caya ang gauang magsucab
sa pinacayaman nang lan~git sa dil�g?
cagandaha,i, b�quit di macapagcal�g
nang pagca capatid sa maglilong l�cad?

Cong nalalag�y ca ang mamatouir�n,
sa l�ot nang madl�ng s�cat ipagtacs�l,
�dili ang dan~gal mong dapat na lingapin
mahiguit sa ual�ng cagandaha,t, ningning?

It� ay h�mac pa bag�ng sumangsal�
ng carupuc�n mo, at gau�ng masama?
�cung an� ang ta�s, n~g pagcadaquil�,
siyaring lagap�c nam�n cong marap�.

O buny�ng guerrerong! na-au� sa aquin,
pag silang na niyaong nabagong bito�n,
sa pagcaquita co,i, sab�y ang pag guiliu,
inagao ang p�song sa In� co,i, hain.

Anopa,t, ang l�hang sa mata,i, nan�gos
nang pagca-ulila sa In� cong irog,
na tungcol sa sint�,t, p�so,i, nan~gilabot
bac� di marapat sa gay�ng alind�g.

Hind� co maquita ang patas na uic�
sa caguluhan co,t, pagca-ual�ng diu�
nang maqui-ump�c na,i, ang aquing salit�,
anhin mang touirin, ay magcacalisiy�.[50]

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sun 21st Dec 2025, 1:03