Sa Ano Nabubuhay Ang Tao by Leo Nikolayevich Tolstoy


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 8

Si Mikhail ay sumagot:

--Mangyari, kailanman at kailanganin.

--Mangyari,--ang bigkas ng barini na sabay isinuot ang balabal.
Tumungo sa may dakong pinto; nguni't nakalimot yumuko, at naumpog ang
ulo sa halang, na anupa't nagbubulong sa galit. Agad lumamig ang ulo,
kinuskos ang noo at sumampa sa _vosok_.

Pagkaalis ng _barini ay sinabi ni Semel_.

--Ito nga ang matibay na parang puno ng kahoy; nasira ang halang at
bahagya nang naramdaman.

At sinabi ni Matrenang:

--Sa taglay niyang pamumuhay ay mabuting tao kaya? Parang bakal mandin
at di madadaig ng kamatayan ng gayun-gayon lamang.



VII

Hinarap ni Semel si Mikhail.

--Tinanggap natin ang biling ito,--aniya,--baka tayo'y mapahamak. Ang
katad ay mahal, ang _barini_ ay magagalitin; huwag lamang tayong
magkamali ay ... Ang iyong mata ay malinaw kaysa akin; ang iyong kamay
ay lalong tumpak; naito ang sukat, tabasin mo ang katad at samantala
ay gagawing ko ang iyong ginagawa.

Sumunod si Mikhail, tinagnan ang katad, iniladlad at pinasimulang
tinabas.

Tinitignan ni Matrena, na hirati sa gayong gawain, at ikinamangha na
tinabas ni Mikhail ang katad sa isang anyo na hindi magagamit na
pambota. Ibig niyang magsalita, nguni't kanyang naisip:

--Marahil ay hindi ko naulinigan kung anong anyo ng bota ang kailangan
ng _barini_; nalalaman ni Mikhail ang ginagawa, at hindi ko siya
pakikialaman.

Ginawa ni Mikhail na isang susuutin sa paa at tinahing parang
sandalyas. Namangha si Matrena, nguni't hindi siya pinakialaman, at
ipinagpatuloy ni Mikhail ang pagtahi. Dumating ang oras ng pagkain.
Tumindig si Semel at kanyang napuna na ginawang sandalyas ni Mikhail
ang katad at hindi ginawang bota, bagay na nakapagtataka sa isang tao
na kailanman ay hindi nagkamali. Si Semel ay nakapagbigkas tuloy ng
isang badyang pamangha.

--Ating nasira ang katad; ano kayang sasabihin ko sa _barini_? Saan
kaya ako makakasumpong ng ganyang katad?

At sinabi kay Mikhail.

--Anong ginawa mo. Ako'y iyong ipinahamak, katoto. Hinihingan ako ng
_barini_ ng bota. Nasaan?

Noon nga ay may tumuktok sa pintuan. Sa dungawan ay nakita ang alila
ng _barini_, na nagtatali ng kanyang kabayo sa pintuan. Pinagbuksan ni
Semel at ang alila ay patang-pata sa pagod.

--Magandang gabi po, suki.

--Magandang gabi rin pu naman. Anong nangyayari?

--Inutusan pu ako ng asawa ng _barini_ upang kunin ang mga bota.

--Ang mga bota?

--Opo, hindi na pu kailangan ng _barini_; hindi na pu niya maisusuot.
Nais sa inyo ng asawa ng barini na humaba nawa ang inyong buhay.

--Hindi pu nagawing dumating na buhay sa bahay. Namatay sa _vozok_ o
karwahe. Dumating kami, aking pinagbuksan at nakita kong nakatimbuwang
at bangkay. Pinaghirapan namin ng paglalabas sa _vozok_. Inutusan ako
sa inyo ng asawa ng _barini_, na sinabing:--Pumaroon kang sabihin mo
sa magsasapatos, na ang gawin ay sandalyas na pansuot sa bangkay at
huwag bota na gaya ng ipinasadya ng _barini_. Sabihin mong
ipagmadalian. Ikaw ay maghintay at dalhin mo ang mga sandalyas.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 3rd Feb 2025, 7:09