Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 7
--Sino sa inyo ang maestro sapatero?
Si Semel ay lumapit.
--Ako po, Kagalang-galang.
Tinawag ng _barini_ ang kanyang alila; iabot mo sa akin ang katad,
Fedka.
Dinala ng alila ang isang balutan, inilapag sa hapag (mesa).
--Buksan mo ang balutan.
Ang alila ay sumunod.
Itinuro ng _barini_ kay Semel ang katad.
--Nakikita mo bang maigi, magsasapatos?
--Opo, Kagalang-galang.
--Nakikilala mo ba kung anong uri iyan?
Pinitik ni Semel ang katad at nagsabing:
--Iyan po ay pinakamabuting uri.
--Oo nga, iya'y pinakamabuting uri, tulig; kailanman ay hindi ka
nakakita ng gaya niyan; iyan ay katad na galing sa Alemanya, nalaman
mo ba? Ang halaga ng katad na iyan ay dalawampung _rublo_.
Si Semel ay natatakot-takot na tumugon:
--Paanong ibig ninyong kilalaning ko?
--Mabuti. Maigagawa mo ba kaya ako ng mga bota sa katad na ito?
--Opo, Kagalang-galang.
Ang _barini_ ay nagbigkas.
--Mangyari! Tignan mong mabuti ang tao na nagpapagawa sa iyo niyan at
pati ng kainaman ng katad na iyan; igawa mo ako ng mga bota na
magluluwat ng isang taon; na isang taon kong magagamit na hindi man
lamang masisira o mapapahiwid. Kung magagawa mo ay tanggapin mo ang
katad na ito at iyong tabasin; kung hindi naman ay iyong tanggihan.
Aking ipinagpapauna sa iyo, na kung ang mga botang iyan ay masira bago
mag-isang taon ay ipapasok kita sa bilangguan, kung magtagal sa akin
ng isang taon ay pagkakalooban kita ng sampung _rublo_.
Si Semel ay nagitla, nagdili-dili, hindi niya malaman ang gagawin.
Tinignan niya si Mikhail, kanyang siniko at itinanong kung maaaring
tanggapin o hindi.
Tinanguan siya ni Mikhail, at tinanggap ni Semel na nangako na kanyang
gagawing mga bota na hindi masisira o mapapahiwid man lamang sa loob
ng isang taon.
Tinawag ng _barini_ ang alila. Iniunat ang kanyang paa, at nagsabing
kung gayon ay sukatan mo ako, ang paa ng _barini_ ay napakalaki na
nangailangang gumupit pa ng ibang papel bagaman ang una ay napakalaki
na. Sinukat ni Semel ang talampakan, ang ibabaw ng paa at saka sinukat
ang binti; nguni't ang papel ay hindi nag-abot na maigi, ang binti ay
napakataba. Habang kinukunan ng sukat ni Semel, ay lilingap-lingap ang
_barini_ sa lahat ng dako. Namataan si Mikhail.
--Sino ito?--ang tanong.
--Siya kong manggagawa--ang sabi ni Semel.
--Magpakaingat ka! Dapat magluwat ng isang taon.
Tinignan ni Semel ang pagkatungo ni Mikhail at kanyang nahalata na
wala sa loob nito ang _barini_, kundi nakatingala siya sa ulunan ng
_barini_ na parang may nakikita siya. Si Mikhail ay tingin ng tingin.
Agad napangiting masaya.
--Anong ikinatatawa mo?--ang tanong ng _barini_. Pag-ingatan mo, na
ang mga bota ay iyong mayari sa takdang panahon.
Previous Page
| Next Page
|
|