Sa Ano Nabubuhay Ang Tao by Leo Nikolayevich Tolstoy


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 6

At nangakatulog.



V

Si Semel ay gumising na maaga; natutulog pa ang mga bata; ang asawa'y
yumaon upang manghingi ng tinapay sa kapitbahay; yaon lamang di kilala
ang nakaupo sa bangko, na nakatingala sa kisame. Ang kanyang
pagmumukha ay lalong tiwasay kaysa tinalikdang araw.

Sinabi ni Semel:

--Ano nga kapatid; ang tiyan ay nangangailangan ng pagkain at ang
katawa'y nangangailangan ng damit. Kailangan ngang mamuhay, magkasiya
sa sarili. Marunong ka bang gumawa?

--Wala akong nalalaman.

Idinilat ni Semel ang mga mata at nagsabing.

--Natututuhan ang balang ibigin, kailan ma't di kukulangin ng
pagkukusa.

--Lahat ay nagsisigawa; gagawa rin akong gaya ng iba.

--Anong pangalan mo?

--Mikhail.

--Kung gayon, Mikhail, ayaw kang magsabi ng anuman tungkol sa iyong
buhay, mabuti, nguni't kailangang kumain; kung susundin mo ang aking
sasabihin, ay aampunin kita.

--Tulungan ka nawa ng Diyos! Turuan mo ako, ituro mo sa akin ang di ko
nalalaman.

Sumunggab si Semel ng kanyamo at binaluktot.

--Ito'y hindi gawain noong isang Huwubes; tignan mo.

Tinagnan ni Mikhail, tuloy inabot ang kanyamo, binaluktot, at agad
itinuro sa kan ya ni Semel ang pagtabas, pagtahi, pagbutas,
paglalapat ng suwelas, at pag-aanyo ng tahi. Sa ikatlong araw ay
natutuhang lubos ni Mikhail ang buong paraan ng paggawa; ang kanyang
kaliksihan ay gayon na lamang, na parang isang daan nang taong
manggagawa ng sapatos. Walang sinayang na sandali; kaunti kung kumain.
Pagkatapos ng kanyang gawa ay tumatabi sa kanyang sulok na nakatungong
walang imik; bahagya nang magsalita, hindi tumatawa kailanman; hindi
umaalis sa bahay; at hindi siya nakitang ngumiti, kundi miminsan,
nuong unang gabi na pahapunin siya ng asawa ni Semel.



VI

Nagdaan ang araw at araw, linggo at linggo hanggang sa umabot ng isang
taon. Si Mikhail ay patuloy pa rin ng pagtulong sa bantog na kay
Semel; walang ibang nakagagawa ng magagaling at matitibay na bota na
makahihigit pa kay Semel. Sa tanaw lamang ay kilala na siya at
unti-unting yumaman si Semel.

Isang araw ng tag-inaw, na gumagawang magkatulong ang dalawang
magpanginoon, ay sa darating ang isang _voyok_ o karwahing hila ng
tatlong magagaling na kabayo, na nagtutunugang masaya ang mga
kampanilyang nakakuwintas, at sa titigil sa harap ng pintuan nila.
Bumaba sa piskante ang isang alila na nagbukas ng pinto, at ang sakay
na isang _barini_ o isang maharlika ay bumaba na nababalot ng isang
magaling na balabal. Nanhik sa hagdanan. Binuksan ni Matrena ang
pintuan. Ang _barini_ ay yumuko na nasok at tumayong matuwid; ang ulo
ay halos masukdol sa kisame at nalalaganapan niyang mag-isa ang isang
sulok ng kabahayan. Si Semel ay bumating may pagkamangha sa _barini_.
Kailanman ay di siya nakakita ng taong gaya niyaon. Si Semel ay
natigilan, si Mikhail ay walang imik; si Matrena ay naging parang
isang tuyong punong kahoy. Ang taong yaon ay masasabing parang galing
sa ibang mundo; ang kanyang pagmumukhang malaki at mabilog at ang
kanyang leeg-toro ay nakapaglalarawan sa kanya ng isang kakaibang
taba.

Pagkahinga ng buong lakas ay nag-alis ng balabal ang _barini_, naupo
sa bangko at nagsabing:

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 3rd Feb 2025, 1:15