Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 5
--Hala, kumain ka,--ang sabi.
Binatak ni Semel ang binata hanggang sa dulang.
--Lumapit ka kapatid.
Pumutol ng tinapay, binasa at nagpasimulang kumain.
Si Matrena ay naupo sa isang sulok na nakapangalumbaba at nakapatong
ang mga siko sa mga tuhod saka minasdan yaong hindi kilala.
Nagdalang habag siya; at nagtaglay siya ng habag sa kaaba-abang yaon.
Agad nagalak ang kalooban ng di kilala at pagtataas ng ulo ay
tuminging napangiti doon sa abang babae. Pagkatapos ng pagkain ay
iniligpit ng asawa ang mga pinggan at nagsabing:
--Saan ka nanggaling?
--Ako ay hindi tagarito.
--Bakit nasa tabi ka ng simbahan?
--Hindi ko masabi.
--Sinong naghubad sa iyo?
--Pinarusahan ako ng Diyos.
--At hubad ka na bang ganyan?
--Nanatili ako roong hubad. Ako'y naninigas sa ginaw, nakita ako ni
Semel at nahabag sa akin; isinuot sa akin ang kanyang damit at
pinasunod ako sa kanya. Ikaw ay nagdalang habag sa aking hirap; iyo
akong pinakain at pinainom. Pagpalain ka nawa ng Diyos!
Si Matrena ay tumindig, binuksan ang kanyang baul at kinuha ang limang
baro ni Semel na kanyang sinursihan at upang maisuot sa kinabukasan,
kinuha ang salawal at pagkabigay niya ng mga yaon doon sa di niya
kilala ay magiliw na sinabing tanggapin mo, nakita kong wala kang
baro; magbihis ka at mahiga ka kung saan mo ibig, sa bangko o sa
kusina.
Nag-alis ng balabal ang di kilala, isinuot ang baro at nahiga sa
bangko. Pinatay ni Matrena ang ilaw at sinunggaban ang balabal at
nahiga sa silid sa siping ni Semel; ginamit ang balabal nguni't hindi
makatulog; ang sumasaulo niya ay yaon di kilala at saka kanyang
naiisip na naubos ang lahat ng tinapay na nalabi at wala silang
makakain sa kinabukasan. Naibigay pa ang baro at salawal ni Semel;
siya'y namamanlaw at hindi mapalagay. Nguni't sa pagkaalala niya ng
ngiti niyaong taong hindi kilala ay nasiyahan ang kanyang loob.
Maluwat-luwat na di nakatulog si Matrena. Si Semel man ay hindi rin
makatulog at namimilipit sa balabal.
--Semel!
--Ay!
--Ating naubos ang lahat ng tinapay. Hindi ako nagtinapay ngayon.
Anong gagawin natin bukas? Manghihiram ba kaya ako kay Melania ng
ating makakain bukas?
--Bahala na. Hindi magkukulang ng pagkain.
Sandaling napatahimik.
--Tila mabuti ang taong ito.
--Bakit kaya ayaw magsabi kung sino siya?
--Walang salang siya'y pinagbabawalan.
--Semel!
--Ano?
--Tayo'y nagbibigay, at sa atin ay walang nagbibigay.
Walang naisagot si Semel.
--Siya ka na ng kauusap,--ang sabi, saka pumihit.
Previous Page
| Next Page
|
|