Sa Ano Nabubuhay Ang Tao by Leo Nikolayevich Tolstoy


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 4

--Ano Matrena; hindi ka ba naghanda ng hapunan?

--Oo't naghanda ako; nguni't hindi sa iyo; ikaw ay naglasing hanggang
sa mawalan ka ng isip ... Ikaw ay bibili ng isang bagong balabal at
umuwi ka pa ng walang kapote. Sa ikalulugmok natin ay nagsama ka pa ng
isang hampas-lupa. Ako'y walang maipahahapon sa mga lasing.

--Siyana, Matrena; walang kailangang magsalita upang wala nang
pag-usapan. Lalong magaling ang itanong mo sa akin kung sino ang taong
ito.

--Pasimulan mong sabihin sa akin kung saan mo iniwala ang
kuwarta,--ang tugon ng asawa.

Dumukot si Semel sa bulsa at inilitaw ang tatlong _rublo_.

--Eto ang kuwarta; si Trofimoy ay hindi nagbayad, nangako sa akin
bukas na.

Si Matrena ay lalong nag-init. Sa aba ng balabal, at pati ng
kaisa-isang kapote ay ibinigay pa sa isang hampas-lupa na dinala rini
sa ikadaragdag sa hirap. Eto ang kuwarta at saka dinugtungan.

--Wala akong hapunan; hindi ako makapagpapakain sa mga hampas-lupang
lasing.

--Oy, Matrena, huwag kang maingay at dinggin mo iring aking sinasabi!

--Ako! Makinig ng mga kaululan ng isang walang hiyang lasing! May
matuwid ako na umayaw na maging asawa kita! Iniwanan ako ng aking ina
ng pambili ng damit at iniinom mo ng alak; ngayo'y bibili ka ng isang
balabal at iniinom mo rin.

Hindi magawing maipaaninaw ni Semel, na dalawampung _kopek_ ang
kanyang iniinom at gayon din na kung paanong kanyang nasumpungan ang
kanyang kasama; ayaw paraanin ni Matrena ang kanyang salita,
sunud-sunod ang kanyang salita, sunud-sunod kung tugunin siya. Pati
nuong nangyari ng may sampung taon, ay ipinamumukha pa sa kanya.
Salita pa ng salita, at saka tinagnan si Semel sa manggas.

--Isauli mo sa akin ang suot ko, wala kundi iyan at kinuha mu pa; siya
mo ngayong suot, asong galisin. Hindi ka pa tangayin ng diyablo!

Huhubdin na ni Semel; binaltak ng asawa at natastas ang mga tahi; sa
katapus-tapusan ay tinagnan ni Matrena ang suot, isinuot at napasa
dakong pinto upang yumaon, nguni't agad napatigil sa galit; wari ibig
makipagkaalit kahi't kanino at mabatid kung sino ang taong yaon,



IV

Tumigil si Matrena sa tabi ng pinid at nagsabing:

Kung iya'y mabuting tao, ay hindi sana hubad; magkakaroon man lamang
ng baro. Kung ikaw ay gumawa ng isang mabuting gawa, ay sasabihin mu
sana sa akin kung saan nanggaling ang palaboy na ito.

--May tatlong oras nang sinasabi ko sa iyo, nguni't di mo ako
dinidinig. Nagdaraan ako sa tabi ng simbahan, ay nakita ko ang
binatang ito na halos naninigas at hubad; wala nga tayo sa panahong
tag-araw. Inakay ako ng Diyos sa kanya; na kung di gayon ay namatay
sana ito ngayong gabi. Anong gagawin ko? Siya'y aking binihisan,
binalabalan at aking ipinagsama. Tumahimik ka nga, Matrena, iya'y
isang kasalanan. Tayong lahat ay para-parang mamamatay.

Si Matrena ay nagbuka ng bibig upang sumagot. Biglang napatingin doon
sa di kilala at tumahimik. Nakaupo sa bangko na di umiimik, Ang
kanyang dibdib ay nanlalaki, halos magputok, na nakayakap ang mga
kamay sa mga tuhod, nakatungo ang ulo, naka-pikit ang mga mata, na
parang napipighati. Napatahimik si Matrena. Siya'y malugod na
pinagsabihan ni Semel.

--Matrena; nawala na ba kaya ang Diyos sa iyong kalooban?

Pagkarinig nito ng asawa ay napatingin doon sa di kilala, na
nakatingin naman sa kanya, at ang kanyang kalooban ay nabagbag. Siya'y
muling nasok at upang maghanda ng hapunan. Siya nga ay naghain at
kanyang inihain ang kahuli-hulihang tinapay.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sun 2nd Feb 2025, 19:06