Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 3
--Sumama ka sa aking bahay at ng mainitan ka.
Nagpatuloy lumakad at sinabayan ng kasama. Humihip ng malakas ang
hangin at pinaspas ang baro ni Semel. Sapagka't napawi na ang alak, ay
nagdamdam ng ginaw. Nagmadaling nagbububulong at iniisip:
--�Mabuting gawa ito! Mabuting balabal ang dala ko! Ako'y nanaog upang
bumili ng isang balabal, at sa pagbalik ay wala man lamang ako kahi't
sako at may dala pa akong isang taong hubad. Di nga ako katutuwaan ni
Matrena.
Si Matrena, ay ang kanyang asawa. Sa ganitong pag-aala-ala kay Matrena
ay nagulomihanan si Semel; nguni't paglingon niya sa kasama ay
naalaala niya yaong tinging ipinamalas sa kanya mula roon sa simbahan
at muling nagdamdam ng kagalakan sa kalooban.
III
Ang asawa ni Semel ay nag-ayos ng bahay na maaga; nagsibak ng kahoy,
sumalok ng tubig, nagpakain ng mga bata at kumain pati siya, saka
nag-isip. Iniisip ang kakanin, nararapat kayang ihanda ngayon o bukas.
May natitira pang kaunti sa paminggalan; kung si Semel ay nakakain na
sa nayon at hindi humapon mamayang gabi ay may kasiyang pagkain sa
kinabukasan. Muli't muling tinignan ang nalalabing pagkain.
--Hindi ako magtitinapay ngayon,--aniya;--saka kakaunti ang aking
harina; baka sakaling umabot hanggang biyernes.
Pagkatapos na maitago ang tinapay, ay naupo si Matrena sa siping ng
dulang upang magsursi ng baro ng kanyang asawa; nananahi at inaalala
si Semel, na namili ng katad.
--�Baka madaya pa ng maytinda! Napakahangal ang asawa ko. Siya ang di
marunong magdaya kaninuman at napadadaya maging sa bata. Sa halagang
walong _rublo_ ay makabibili na ng isang mabuting balabal; hindi
kabutihan, nguni't may kaigihan na. Totoong nagbata kami ng taginaw na
iri dini sa iisang balabal. Hindi makapaglaba sa ilog ng wala niyan,
at eto, upang makalakad ay dinala ang aking suot. Hindi ako makapanaog
ng ganiri!... Pagkaluwat! Naparaan ba kaya sa tindahan ng alak?
Kabibitaw pa lamang sa bibig ng mga salitang ito, ay siyang pagkarinig
ng mga yabag ni Semel sa may hagdanan. Iniwan ni Matrena ang sursihin
at napatungo sa silid. Nakita niyang nasok, ay dalawang lalaki, na
walang sombrero at nakabota. Malayo pa'y nahalata na ni Matrena, na
ang kanyang asawa ay naglasing.
Siya ko na nga bang kutog ng loob, aniya.
Pagkakitang walang kapote at nangakalitaw ang mga kamay, walang imik
at wari nahihiya, ay kumaba ang loob ng abang asawa.
Iniinom nga ang kuwarta. Nakipaglasingan sa isang hampas-lupa at
ngayo'y dala rine. Wala na kami kundi ito lamang.
Pinabayaan niyang magtuloy sila at kanyang sinundan na di umiimik.
Napaghalata niya na ang kasama ay may kabataan, payat, putlain,
nakakapote na walang baro sa katawan at wala ni gora. Ng makapasok na
ay tumigil na walang kibo at nakatungo. Inisip ni Matrena.
Suwitik ito, nahihiya pa, naghihintay ng mangyayari.
Nag-alis ng gora si Semel at umupo sa bangko na parang isang batang
mabait.
--Oy, Matrena,--aniya--pahahapunin mu ba kami?--Hindi pa ako kumakain.
Si Matrena ay hindi lumilingon na nagbububulong. Tumigil sa may
kusina, saka minasdang isa-isa, na iiling-iling at di kumikibo.
Nahalata ni Semel na galit ang kanyang asawa; nguni't anong gagawin?
Sapagka't walang may ibig, ay tinagnan niya sa kamay ang kasama at
sinabing:
--Maupo ka, kapatid. Humapon tayo.
Ang kasama ay naupong walang imik.
Previous Page
| Next Page
|
|