Sa Ano Nabubuhay Ang Tao by Leo Nikolayevich Tolstoy


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 2

At dinalas ang hakbang. Pagdaka'y napatigil sa daan,--Anong inaasal mo
sa sarili. Anong gagawin mo? Namamatay ang isang tao at iyong
kinatatakutan at nilalayuan. Mayaman ka na ba kaya? Natatakot ka bang
mawalan ng kayamanan? Ano, Semel, ito'y hindi magaling.



II

Pagdaka'y bumalik si Semel sa simbahan at tinungo ang tao. Pagkalapit
ay minasdang maigi. Ang taong yaon ay bata pa at may mabuting katawan.
Wala namang anumang bugbog na nababakat sa kanyang katawang hubad,
nguni't nanginginig sa ginaw at parang nagulat. Sa pagkasandal sa
pader ay hindi tumitingin kay Semel; sa pagkahiya mandin ay hindi man
lamang maidilat ang mga mata. Tinunghan ni Semel at agad nabuhay ang
loob ng taong yaon, idinilat ang mga mata, inilingon ang ulo at
minasdan si Semel.

Pagkamalas ng magsasapatos ng tinging yaon ay nagtaglay ng pag-ibig
doon sa taong di niya kilala. Inilapag ang kanyang dalang bota;
kinalag ang kanyang sinturon at naghubad ng sako.

--Hala,--aniya,--huwag ka nang magbadya pa ng anuman; magbihis ka;
madali ka; hala, dali-daliin mo ...

Tinagnan ni Semel sa bisig yaong di niya kilala, ibinangon, itinayo,
saka minasdan ang kanyang katawang maganda. Maputi at pati nga ng
kanyang kaayaayang mukha.

Ipinatong ni Semel sa mga balikat ang sako; nguni't di matumpakan ng
lalaki ang pag-susuot ng manggas. Isinuot ni Semel, ibinutones,
nilagyan ng sinturon, inalis ang kanyang gorang sira-sira at isusuot
sana, datapwa't nakaramdam siya ng ginaw sa ulo at inisip:

--Ako'y kalbong-kalbo, at siya'y may mahahabang buhok na kulot.

At muling isinuot ang gora.

--Mabuti manding suutan siya ng bota.

At pagkaluhod sa siping nuong lalaki, ay isinuot ang mga bota niyang
dala. Saka, ng maitindig niya, ay kanyang pinagsalitaang:

--Ano, kapatid! Hala, gumalaw ka ng kaunti. Ikaw ay magpainit. Huwag
na tayong magluwat dito. Tayo na.

Nguni't ang lalaki ay nakatayo pa, di umiimik, malugod na minamasdan
ni Semel; di makapagbigkas ng isa man lamang salita.

--Anong nangyayari sa iyo? Bakit di ka magsalita? Hindi maaaring
magparaan tayo ng taginaw rito. Kailangang umuwi tayo ng bahay. Eto
ang aking tungkod, iyong tungkurin kung nanghihina ka; hala, tayo na.

At ang lalaki ay lumakad at di naiwan.

Sila'y magkasabay at nangusap si Semel.

--Tagasaan ka?

--Hindi ako tagarito.

--Kilala ko ang mga tao sa lupang ito; eh, bakit nasa likuran ka ng
simbahan?

At ang tugon ng kasama:

--Hindi ko masabi.

--Ikaw baga'y hinarang?

--Hindi, walang humarang sa aking sinuman; pinarusahan ako ng Diyos.

--Alam na natin, na ang lahat ay galing sa Diyos; nguni't may
pinagbubuhatan. Saan ka paroroon?

--Kahit saan.

Namangha si Semel. Ang taong ito'y walang pagmumukhang masama, ang
boses niya'y kalugod-lugod, nguni't walang ipinagbabadya na tungkol sa
kanyang sarili. Inisip ni Semel na may mga bagay na di masaysay at
pinagsalitaan ang kasama.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sun 2nd Feb 2025, 13:41