Sa Ano Nabubuhay Ang Tao by Leo Nikolayevich Tolstoy


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 11

Napagkita nina Semel, na si Mikhail ay nagliwanag. Tumindig si Semel,
yumukod sa kanya at nagsabing:

--Napagkikita ko, Mikhail, na ikaw ay isang taong di gaya ng iba, at
hindi kita mapipigil sa aking piling o matatanong man. Sabihin mo
lamang sa akin: Bakit ikaw ay napakawalang-imik, at totoong gitla ng
ikaw ay aking matagpuan at ipagsama sa aking bahay?

--Bakit ka pinagsaulian ng loob, ng hainan ka ng aking asawa ng
pagkain? Nuon nga'y napangiti ka at sumigla ang iyong kalooban.

Saka ng pumarito ang _barini_, na magpasadya ng mga bota ay napangiti
kang muli at lalong sumigla ang iyong kalooban, at ngayong dalhin dito
ng babaing ito ang mga bata ay napangiti kang makaitlo at nagliwanag
ang iyong mukha. Sabihin mo sa akin, Mikhail. Bakit sumisilang sa iyo
itong dalisay na liwanag at bakit ka ngumiting makaitlo?

At sumagot si Mikhail.

--Sumisilang sa akin ang liwanag, sapagka't ako'y naparusahan;
hinatulan ako ng Diyos at ngayo'y pinatawad na ako; ako'y napangiting
makatatlo sapagka't dapat akong makarinig nga ng tatlong salita ng
Diyos at aking nangarinig. Narinig ko ang una ng mahabag ang iyong
asawa sa aking kaabaan, yaon nga'y una kong ikinangiti. Napangiti
akong muli ng pumarito ang _barini_, sapagka't naihayag sa akin ang
ikalawang salita; at ngayon, pagkakita ko sa mga bata ay ikinangiti
kong pangatlo sa pagkarinig ko ng ikatlong salita ng Diyos.

Tinanong siya ni Semel: sabihin mo sa akin, Mikhail kung bakit ka
pinarusahan ng Diyos at kung anong mga salita ito upang malaman ko
naman.

Si Mikhail ay sumagot:

Pinarusahan ako ng Diyos dahil, sa aking paglabag. Sa langit ay isang
anghel ako, at siya ay aking sinuway. Nuon ay isa ako sa mga anghel sa
langit at sinugo ako ng Diyos sa isang kaluluwa, sa kaluluwa ng isang
babae. Bumaba ako sa lupa at nakita ko ang isang babae na nakalugmok
sa higaan, may sakit at kapanganganak lamang sa dalawang batang babae.
Ang mga ito ay nangagsisihibik sa tabi ng ina, at siya'y napakahina na
di niya mapasuso sila. Pagkakita sa akin ay nataho na kailangan ng
Diyos ang kanyang kaluluwa; tumangis at nagsabi sa aking namamanhik:

Anghel ng Diyos, ang aking asawa ay namatay, na nabuwalan ng isang
punong-kahoy sa gubat; ako'y walang ina, o kapatid, o ali: ang aking
mga ulila ay walang inaasahan, liban sa aking abang kaluluwa: pabayaan
mo akong mapalaki ko ang aking mga anak; ipagpaubaya mong sila'y
makalaki sapagka't ang mga bata ay hindi maaaring mabuhay ng walang
ama o ina.

Sinunod ko ang babae, ipinatong ko ang isang anak sa kandungan at ang
isa'y sa kanyang bisig; muli akong napailanlang sa langit, at pagharap
ko sa Panginoon ay sinabi kong: Hindi ko nagawing dalhin ang kaluluwa
ng nanganak. Ang ama'y namatay, siya'y may dalawang anak na kambal at
ipinamanhik sa akin na siya'y pabayaan kong mabuhay hanggang sa
mapalaki niya ang kanyang mga anak na hindi mangyayaring mabuhay ng
walang ama o ina. Hindi ko nga dala ang kaluluwang iyan.

Sinagot ako ng Diyos:

Ikaw ay yumaon at dalhin mo sa akin ang kaluluwa ng inang iyan, at
mapagkikilala mo ang tatlong salita ng Diyos; iyong malalaman ang
_sumasa mga tao, ang hindi ipinabatid sa tao at ang bumubuhay sa tao_.
Pagkakilala mo ng tatlong salitang ito ay babalik ka sa langit.

Nagbalik ako sa lupa at dinala ko ang kaluluwa ng abang ina. Ang mga
bata ay nagsibitiw sa sinapupunan ng ina at ang bangkay, sa pagkabuwal
sa tagilirang kaliwa, ay nadaganan ang paa ng isa sa mga bata. Ng
ako'y nakatayo sa may dakong itaas ng nayon upang dalhin ang kaluluwa
sa Maykapal ay hinadlangan ako ng isang buhawi, nanghina ang aking
pakpak at nangatikom: Ang kaluluwa ay naipalanlang sa langit, at ako'y
napalugmok sa lupa sa tabi ng lansangan.



XI

At napag-unawa nga ni Semel at ni Matrena kung sino yaong kanilang
binihisan at pinakain at kung sino yaong kasama nila. Sila'y napaiyak
sa kagalakan at katuwaan, at ang anghel ay nagpatuloy ng pananalita:

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 3rd Feb 2025, 14:54