Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 7

Yaong letrang =ll=, ay ang cahulugan
in� po ay dinguin at aquing tuturan,
ang Dios na Am�,i, caya nagpalagay
gloria,t, infierno na pag pipilian.

Ang tauo sa mundong inap� ni Eva
anomang ibiguin pahintulot niya,
cun caya nag lagay ay laang talaga
sucat pag palagyan pagdating nang ora.

At ang letrang =a=, bilang catapus�n
cahulugan naman ay inyong paquingan,
pagdating nang arao na tayo,i, hucum�n
mayama,t, mahirap paparehong tunay.

Sa Dios ay uala na malaqui,t, muntic
at ualang marunong ualang ignorantes,
uala namang Papa,t, ualang Cardenales
paparehong lahat pagdating nang guhit.

Narin~gig na ninyo lahat cong binaybay
di na dapat yata na aco,i, mag-aral,
hindi macasag�t in�,i, natiguilan
at pauang totoo ang man~ga sinaysay.

Ani Juang Tamad umoui na cayo
sa bahay in� po,t, doo,i, ualang tauo,
houag pag pilitan na paalsin dito
at dito po nama,i, ualang basag-ulo.

Ang in� ni Juan tantong nagtataca
sa man~ga sinaysay tungcol sa cartilla,
ganitong cabata,t, di nag-aaral pa
ano,t, naalaman tanang significa.

Anhin co ang letra,t, siya,i, tinuruan
caya naquilala ang man~ga pan~galan,
ay baquit naalman dalang cahulugan
sulat na cartilla quinapapalagyan.

Sa ganitong ito ay pahat pang pahat
sasampuo pang ta�n dinadalang edad,
natutuhan itong casaysayang lahat
biyaya nang Dios na sa caniya,i, lagac.

At saca umalis canyang iniuan na
habang lumalacad n�luha ang mat�,
aco ay paano uala ang asaua
saca ang an�c co ay di macasama.

Yaring catauan co caya ay paano
na caaua aua ang calagayan co,
�oh V�rgen Mar�ang In�ng masaclolo
matiis co rin po ang hirap na ito!

Itong aquing an�c na iisang tunay
dapat casamahin sa gabi at arao,
touing magugutom siya,i, saca lamang
na naparirito,t, pagcain ang pacay.

Macapangyarihan na iisang Dios
lauitan nang aua ang palad cong cap�s,
alalayan mo po mahina cong loob
na houag din nauang madaig nang tucs�.

Bugtong niyang an�c na si Juang Tamad
na nasa sa pul� sa loob nang gubat,
ang canyang cartilla,i, laguing hauac hauac
binabasa niya at buclat nang buclat.

Ang pagbasa niyang inuulit ulit
�oh Dios na Haring aquing iniibig,
hulugan mo aco nang biyayang bait
at biyayang graciang ualang caholilip!

Saca isusunod hulugan mo aco
nang biyayang aua sa pagca higa co,
ipanatag mo po yaring catauan co
sa ligayang lubos ilay� sa tucs�.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Fri 10th Jan 2025, 7:15