Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 6
Malaqui po am� yaring catouaan
sa inyong sinabing aco ay mag aral,
at harin~garin po na aco,i, casihan
na matutuhan co gauang cabanalan.
Bumil� ang am� n~g isang cartilla,
at si Juan Tamad ay tinuruan na
niyong sarisaring pan~galan nang letra
sa A nag pamula,t, pinaquiquilala.
Ang uica ni Fabio,i, salamat sa Dios
at sa hicayat co an�c co,i, nasunod,
iyong tuturuan esposa cong irog
harin~ga,t, maalman cartilla,i, matal�s.
Iiuan co cayo,t, aalis na muna
mag hahanap b�hay na ating magasta,
icao na an�c co,i, maquiquinig baga
houag mag susutil sa mahal mong in�.
O� po am� co,t, tatalimahin co
mag papacasaquit na mag-aral aco,
harin~ga,t, loobin nang Poong si Cristo
na maguing Pari rin acong an�c ninyo.
Sa sag�t na yao,i, ga mapapan~giti
ang am�ng si Fabio niyong talumpati,
salitang may daguil at umaaglahi
sa man~ga magulang ay parang tagur�.
Sa casi,t, esposa ay napaalam na
tumun~go sa dating paroronan niya,
nang quinabucasan niyong maumaga
si Jua,i, uala na at nacaalis na.
Si Sofiang in�,i, di na matahimic
mapanglao ang loob puput�c ang dibdib,
inantayan lamang am�,i, nacaalis
lumayas na nama,t, sa pul�,i, nagbalic.
Naparoong agad at canyang tiningnan
dahilan sa hindi siya mapalagay,
dinatnan ang an�c na nagugulaylay
sa oyaying baguing na dating tulugan.
Ang bati nang in� �ay buns�ng an�c co!
baquin naman icao,i, muling naparito
bilin nang am� mo,t, pan~gusap sa iyo
houag cang aalis icao,i, casama co.
Di icao ay dico n~gayon malilin~gil
di matuturuan at uala sa atin,
di po cailan~gan yaon cun sa aquin
cartilla po in�,i, paua co nang lining.
Unauain ninyo at aquing tuturan
linalam�n noo,t, m~ga cahulugan,
yaong letrang =C=, in�,i, caharian
nang Dios na Am�ng macapangyarihan.
Yaong letrang =a=, na munting casunod
angeles na madlang catoto nang Dios,
sa coro ay pauang nag pupuring lub�s
sa Am�ng lumic-ha nitong sangsinucob.
Yaong letrang =r=, bilang pacaitlo
si Mar�ang V�rgeng In�ng masaclolo,
Reinang tinatangh�l nitong boong Mundo
sacdalan nang tanang ovejas ni Cristo.
Yaong letrang =t=, ay ang cahulugan
tribunal nang Dios talarong timban~gan,
masama,t, magaling doon matitingnan
ang juicio nang Dios pagdating nang arao.
Yaong letrang =i=, cahulugang dala
Imperio at bayan nang Dios na Am�,
ang lahat nang ban�l doon naquiquita
na nan~gag pupuring touang ualang hanga.
Previous Page
| Next Page
|
|