Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 2
Pagsapit nang hapon ooui sa bahay
dadaan sa tinda,t, mamimili naman,
madla,t, sarisaring man~ga cailan~gan
na cacanin nila sa pag hahapunan.
Doon sa canila cun siya,i, dumating
sa casi,t, esposa ay sisiyasatin,
baca ang an�c tang mutyang guiniguilio
pina-iiyac mo,t, di mo linilin~gil.
�In� co! ang sag�t ni Sofia naman
uala acong gaua cun hindi hauacan,
cahit nag luluto,i, quinacaulayao
sa pan~gin~gilag co na baca omouang.
Anitong si Fabio na sintang esposo
gayon n~ga ang aquing ibig guinugusto,
icao ay hindi man macapag trabajo
bata,i, houag lamang pababayaan mo.
Pagcaca umagang macapag almusal
paalis na siya,t, punta sa sugalan,
sa aua n~g Dios guinagaling naman
sa touing ooui ay may panalunan.
Lumalaqui naman an�c nilang ito
di nag cacaramdam sa aua ni Cristo,
matanto at siya,i, mahal na totoo
ang sugo nang in�,i, hindi asicaso.
In�ng nag mamahal ay di alintana
cahit di sumunod cun utusan niya,
loob ay malinis sa an�c na sinta
palibhasa,i, bugtong at iisa isa.
Nang mag cabait na,i, naguing cagauian
umaalis siya sa canilang bahay,
sa man~ga capoua,i, hindi omaabian
na naquiquilar� sa canino pa man.
Sa capan~gilagan nang catauan niya
at ang catamara,i, siyang nagdadala,
aalis sa bahay tatanan sa in�
susuot sa pul�ng casucala,i, sady�.
Siya ay gumaua doon nang tahanan
sa puno nang cahoy Betis ang pan~galan,
na canyang lininis at siya,i, nag lagay
m~ga baguing hagting na sadyang hihigan.
Doo,i, uala siyang munting guinagaua
cundi palagui na lamang nacahiga,
oras nang tanghali ay saca babab�
ooui sa bahay pagcain ang sadya.
Cun siya,i, dumating sa canilang bahay
ang bati n~g in�,i, saan galing icao,
si Jua,i, ang sag�t ay dini po lamang
naquipag lar� po sa ating cahangan.
Di naman iimic yaong canyang in�
sa uica ni Jua,t, natatalastas na,
ito,i, nag yayabang �ano caya baga?
ang an�c cong ito,i, bucod at caiba.
Nagtataca aco �oh Dios sa Lan~git!
ang bait isip co ay uulic ulic,
cagagauang ito nang an�c cong ibig
caguilaguilalas at di co malirip.
Marami rin namang man~ga bata dito
sa caapid bahay, na naquiquita co,
itong aquing an�c caibang totoo
na palaguing uala at di masugo co.
�Ano caya bagang talaga nang Dios
di paquinaban~gan ang an�c cong irog?
gayon ma,i, matamis sa puso co,t, loob
cun ito ay siyang sa aqui,i, caloob.
Previous Page
| Next Page
|
|