Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 17
At natatanto na n~g magulang niya
ang bigas na yao,i, sa an�c na dal�,
hindi lamang batid nila,t, natataya
an�c ay mayroong bat�ng encantada.
Ang magcaibiga,i, muling sabihin co
sa umaga,t, hapon sila ay paseo,
Tamad na si Jua,i, bihasang totoo
na ualang trabajo mulang maguing tauo.
Doon sa canilang man~ga pagsasama
nalilibot nila loob nang Espa�a,
capag may naranang dalagang maganda
ang uica cay Juan ay ibiguin mo na.
Isasag�t nama,i, ang bagay na iyan
uala sa loob co,t, di pa gunam-gunam,
ang pagparito co sa Espa�ang bayan
di iyan ang hanap cundi caibigan.
Mana,i, isang arao naparaan sila
sa tapat n~g torre n~g bunying princesa
na na sa bintana,t, sila,i, naquiquita
ang pinagmamasdan ay silang dalaua.
Natin~gala naman ni Jua,t, namalas
n~ginibitan niya,t, sinusuliap suliap,
princesa Leonila ay napahalac-hac
natoua sa anyong nan~gibit nasuliap.
Ani Juan Tamad ay tingni amigo
nataua sa aqui,t, na-iibig aco,
tumiguil na cusa titingna,t, tutun~g�
toua nang princesa ay di mamagcano.
Uica nang princesa sa canilang dalua
hayo,t, magpatuloy na cayo,i, malis na
sa catouaan co,i, ang aquing hinin~ga
nan~gan~gap�s halos di na macataua.
Nalis na n~ga sila na nag madalian
at noui na naman sa canilang bahay,
magmula na noon bagama,t, napasial
di napaparoon cundi noon lamang.
Di naman nalauo,t, ang bunying princesa
loob ay pumanglao at nagca balisa,
hindi magca uasto loob ala-ala
catauan ay hindi capara nang una.
Misterio nang Dios na sucat pagtac-han
princesa Leonila,i, nag laman ang tiyan,
ang loob at puso ay di mapalagay
sa dagsang sacuna na cahambal hambal.
Puso,i, nalugami at tatan~gis-tan~gis
sa dalauang mat� luha,i, nabalisbis,
ang loob ay gul� puputoc ang dibdib
sa di maulatang signos na sinapit.
Di icacatulog sa gabi at arao
at pinapanimdim ang cahihinatnan,
baquit caya baga yaring capalaran
palad na quiquitil nang tan~gan cong b�hay.
Hindi co malirip ang bagay na ito
cun ano,t, sinapit nang imbing palad co,
ualang masasabi cahiman at an�
cundi ito,i, signos nitong catauan co.
Paano ang aquin n~gayong calagayan
puri co,i, uala na anong casaysayan,
ang lib�c at pula nang tauo,i, cacamtan
di ano pang aquin na capapacanan.
Icao catauan co caya ay paano
n~gayo,i, saan caya aco patutun~go,
mabuhay man baga ang tauo sa mundo
cun uala nang puri parang gam�-gam�.
Previous Page
| Next Page
|
|