Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 16
Lumapit sa am�,t, humal�c sa cam�y
at saca nag-uicang ito ang tinuran,
calagayan ninyo,i, houag ipamanglao
tiisin ang hirap Dios ang may big�y.
Cahima,t, mahina ang catauan ninyo
at cayo po am�,i, di macatrabajo,
dumalan~gin lamang tayo po cay Cristo
hindi mauauala ang aua,t, saclolo.
Ang cacanin ninyo sa gabi at arao
am� po ay cayo,i, aquing padadalh�n,
caya po naalis nag hahanap buhay
maisustento co sa man~ga magulang.
Di lubhang nalauon doon sa canila
siya,i, napaalam sa am�,t, sa in�,
aalis na muli,t, ang nasa co,t, tica
ang tutun~guhin co,i, reino nang Espa�a.
Lumuh�d sa harap n~g canyang magulang
bendici�n po ninyo aco,i, pabauonan,
ang cam�y nang am�,i, iguinauad naman
pinahal�c niya at benendicionan.
At saca sa in� ay siya,i, lumapit
hinagu�p ang cam�y at tuloy humal�c,
benendicionan di,t, ang uicang sinambit
ang paroronan mo naua ay masapit.
Naglagos na siya,t, tinun~go pagdaca
ang talagang nasang reino nang Espa�a,
nang dumating doon nagpapasial siya
ang loob nang reino,i, linilibot niya.
Naglilibang siya sa man~ga tindahan
at umaamistad sa canino pa man,
palibhasa,i, bagong cararating lamang
humahanap siya tutuluyang bahay.
Ang ugaling dati capagcaraca na
cun sa ibang lugar naroroon siya,
dating catamara,i, linilisan muna
maalam sumuyo,t, loob ay maganda.
Cun paquiusapan nang alin ma,t, sino
tungc�l sa anoman na cayang trabajo,
loob ay malinis sa capoua tauo
madaling cumita man~ga amistado.
Di humabang arao pagcatahan niya
sa Espa�ang reino,i, may caquilala na,
doon na tumuloy at naguing casera
sa arao at gabi ay urun~gang sady�.
Ang caserang yao,i, may binatang an�c
na casama-sama ay ni Juan Tamad,
sa loob nang reino ay pahicap hicap
casayahang madla,i, siyang minamalas.
Cun matapos silang macapag pasial na
ooui sa bahay magcasamang dalua,
caibigang ito,i, tantong nagtatac�
at di mapacain doon sa canil�.
At sa encantadong bat� niyang in~gat
laguing humihin~gi pagdating nang oras,
cagagauang ito,i, lihim at di hay�g
ni sinoma,i, uala na nacatatatap.
Pumucao sa loob at naala-ala
baca nagugutom ang magulang niya,
humin~gi sa bat� niyang encantada
dalhan nang cacanin ang am� at in�.
Guinanap pagdaca na hindi naliban
n~g oras na yaon man~ga cahin~gian,
natoua ang loob nang canyang magulang
sila,i, may cacanin sa gabi at arao.
Previous Page
| Next Page
|
|