Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 9

Ito,i, siyang una sa lahat n~g hirap,
pag day� ni Laura ang cumacamand�g
dini sa b�hay co,i, siyang magsa-sadlac
sa lingin~gang la-�n ng masam�ng palad.

O conde Adolfo,i, ilinapat mo man
sa aquin ang hirap n~g sangsinucuban,
ang caban~gisan mo,i, ipinasalamatan,
ang p�s� ni Laura,i, cong hind� inagao.

Dito nag-himut�c ng casindac-sind�c
na umaalin~gao-n~gao sa loob n~g g�bat
tinangay ang diua,t, caramdamang hauac
n~g bunt�ng hinin~ga,t, l�hang lumagasl�s.

Sa p�no n~g cahoy ay napa-yucayoc,
ang li-ig ay supil n~g l�bid na gapos,
bangcay na mistula,t, ang culay na buroc
n~g caniyang muc-ha,i, naguing puting lub�s.

Nagcata�n siy�ng pagdat�ng sa g�bat
n~g isang guerrerong bayani ang ticas,
putong na turbante, ay calin~gas-lin~gas,
pananamit moro sa Persiang Ciudad[L]

Piniguil ang lacad, at nagtanao-tano,
anaqui ninita ng pag-pahingah�n
di caquinsa-guinsa,i, ipinagtapunan
ang pica,t, adarga,t, nagda�p ng camay.

Sac� tumin~gal�,t, mata,i, itiniric
sa bub�ng ng cahoy na taquip sa Lan~git,
est�tua manding nacatayo,t, um�d,
ang bunt�ng hinin~g� niya,i, ualang patid.

Nang magdamdam n~gauit sa pagay�ng any�,
sa pun� n~g isang cahoy ay umup�
nag-uicang "_� palad_" sabay ang pagtul�,
sa mat�, ng l�hang anaqui,i, palas�.

Olo,i, ipinatong sa caliuang camay
at sac� tinutop, ang no�, ng canan,
anaqui mayroong guinugunam-gunam
isang mahalagang nalimutang bagay.

Malao,i, humilig nag ualang bahal�
dirin cumacati ang batis ng l�ha,
sa madl�ng himutoc, ay casalamuh�
ang uicang "_Flerida,i, tapus na ang tou�_".

Sa balang sandal� ay sinasabugan
ya�ng bo�ng g�bat n~g maraming �_ay_!
naquiquituno sa huning mapanglao
n~g pang-gabing ibon do�,i, nagtatah�n.[M]

Mapamaya-maya,i, nag ban~gong nagulat,
tinangn�n ang pica,t, sampo n~g calasag
nalimbag sa muc-h� ang ban~g�s n~g Furias[N]
"_d� co itutulot_" ang ipinahay�g.

"At cung cay Flerida,i, ib� ang umagao
at d� ang am� cong dapat na igalang,
hind� co masabi cun ang picang tan~gan
bubug� n~g libo,t, lacs�ng camatayan.

Bababa si Marte mul� sa ita�s[O]
sa ca-ilalima,i, �ahon nang Parcas,[P]
boong galit nila, ay ibubulal�s
yayacaguin niyaring cam�y cong marah�s.

Sa cuc� nang lilo,i aquing �agauin
ang cabiy�c niyaring calolouang angqu�n,
liban na cay Am�, ang sino ma,t, alin
ay d� igagalang nang tangang patal�m.

�O pag sintang labis nang capangyarihan
sampong mag aam�,i, iyong nasasaclao!
pag icao ang nasoc sa p�s� ninoman
hahamaquing lahat masun�d ca lamang!

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Tue 29th Apr 2025, 1:01