Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 8
Hangang aco,i, uala,t, naquiquipag-h�moc
nang aapuhap ca nang pang aliu loob;
manalo man aco,i, cun bagong nanasoc
naquiquita mo na,i, may dal� pang t�cot.
Boong pan~ganib mo,i, bac� nagca sugat
di maniniual� cundi masiasat
at cung magcagurl�s nang munt� sa bal�t
hinuhugasan mo nang l�hang nanat�c.
Cung aco,i, mayroong cahapisang munt�
tatanun~gin mon� cun an� ang sanh�,
hangang di malining ay idinaramp�
sa mga muc-ha co, ang rube mong l�b�.
Hind� ca tutugot cund� matalast�s,
cacapitan monang mag bigla nang l�nas,
dadalhin sa jardi,t, doon ihahanap,
nang ica-aaliu, sa mga bulacl�c.
Iyong pipitas�n ang lalong mariqu�t
dini sa li-ig co,i, c�sang isasabit
tuhog na bulaclac sady�ng saglit-saglit,
pag-uupand�n mong lumbay co,i, mapacn�t.
At cun ang hapis co,i, hind� masauat�
sa pilic-mat� mo,i, dad�loy ang l�h�
na pasa�n n~gay�n ang gay�ng arug�
sa dal� cong s�quit ay di i-apul�?
Halina Laura,t, aquing cailangan
n~gayon, ang lin~gap mo nang naunang arao,
n~gay�n hinihin~g� ang iyong pag-damay;
ang ab�ng sint� mo,i, na sa camatayan.
At n~gay�ng malaqui ang aquing d�lit�,
ay d� humahanap nang maraming l�h�,
sucat ang capat�c na maca-apul�
cun sa may pag sintang p�s� mo,i, mag mul�.
Catao-ang co,i, n~gay�n siyasatin, ibig,
tign� ang s�gat cong d� gau� nang c�liz
hugasan ang dug�ng nan�long sa guitgu�t
nang camay co, paa,t, natataling li-ig.
Halina, irog co,t, ang dam�t co,i, tingn�n,
ang hind� mo ibig dampioh�ng calauang
calagu�n ang lubid, at iyong bihisan,
matinding disa co,i, nang guma�n-ga�n.
Ang m~ga mat� mo,i, cun iy�ng ititig
dini sa any� cong sadlacan nang s�quit
upanding mapiguil ang tac�ng mabil�s
niyaring ab�ng b�hay sa icapapat�d.
Uala na Laura,t, icao nan~ga lamang
ang macalulunas niyaring cahirapan;
damh�n nang camay mo ang aquing catauan,
at bangcay man aco,i, mul�ng mab�buhay!
N~gun� �sa ab�co! �ay sa laquing hirap!
ual� na si Laura,i, laquing tinatauag!
napalayo-layo,t, di na lumiliyag,
ipinag c�nol� ang sint� cong tap�t.
Sa ibang candun~ga,i, ipinagbiyay�
ang p�song aquin na, at aco,i, dinay�
bo�ng pag-ibig co,i, ipinan~ganyaya
linimot ang sint�,t, sinayang ang luh�.
Alin pa ang hirap na d� na sa aquin?
may camatayan pang d�co dadamdam�n?
ulila sa Am�,t, sa In�ng nag-angquin,
ualang kaibiga,t, linimot ng guiliu.
Dusa sa puri cong c�sang siniphay�,
palasong may lasong natiric sa p�s�;
hab�g sa Am� co,i, t�nod na tumimo;
aco,i, sinusunog niyaring panibugh�.
Previous Page
| Next Page
|
|