Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 6

Caliluha,t, sama ang �lo,i, nagtay�
at ang cabaita,i, quimi,t, nacayuc�,
santong catouira,i, lugam� at hap�,
ang l�ha na lamang ang pinatutul�.

At ang balang bib�g na binubucal�n
nang sabing magal�ng at catutuhanan
ag�d binibi�c at sinisican~gan
nang c�liz n~g lalong dust�ng camatayan.

�O tacs�l na pita sa yama,t, mata�s![19]
�o hangad sa puring hanging lumilipas!
icao ang dahilan n~g casam�ng lahat[20]
at niyaring nasapit na cahab�ghab�g.[21]

Sa Corona dahil n~g haring Linceo
at sa cayamanan n~g Duqueng Am� co,
ang ipinangah�s n~g Conde Adolfo
sabugan n~g sama ang Albaniang[K] Reino.

Ang lah�t nang it�, ma-auaing lan~git[22]
iy�ng tinutungh�,i, an�,t, natitiis?[23]
mula ca n~g boong catouira,t, bait
pinapayagan mong ilub�g n~g lup�t?

Macapangyarihang c�nan mo,i, iquilos,
papamilansiqu�n ang c�liz n~g poot,
sa Reinong Albania,i, c�sang ibulusoc
ang iy�ng higant� sa masam�ng loob.

Baquit calan~gita,i, bing� ca sa aquin
ang tapat cong luhog ay hindi mo ding�n?
d� yata,t, sa isang alipusta,t, il�ng
sampong tain~ga mo,i, ipinan~gun~gul�ng?

Datapua,t, sino ang tatar�c caya
sa mah�l mong lihim Dios na daquil�?
ual�ng mangyayari sa bal�t n~g lup�
d� may cagalin~gang iy�ng ninan�s�.

�Ay d� sa�n n~gay�n ac� man~gan~gapit!
�sa�n ipupuc�l ang tinangis-tangis
cong ayao na n~gayong din~giguin ng Lan~git[24]
ang sigao n~g aquing malumbay na voses![25]

Cong siya mong ibig na aco,i, magdusa
Lan~git na mata�s aquing mababata
is�g� mo lamang sa p�so ni Laura
aco,i, minsan minsang mapag ala-ala.

At dito sa laot n~g dusa,t, hinagpis,
malauac na luhang aquing tinatauid
gunit� ni Laura sa naab�ng ibig
siya co na lamang ligaya sa dibdib.

Munting gunam-gunam n~g sint� co,t, muty�
n~g dahil sa aqui,i, daquil� cong tou�,
higu�t na malaqu�ng h�rap at dalita
parusa ng t�uong lilo,t, ualang aua.

Sa pagka gapus co,i, cong guni-gunih�n
malamig nang bangcay acong nahihimb�ng[26]
at tinatan~gisan nang sula co,t, guiliu,
ang pagca-b�hay co,i, ualang hang� mandin.

Cong apuhapin co sa sariling isip
ang suy�an namin nang pili cong ibig,
ang pag luh� niy� cong aco,i, may hapis
naguiguing ligaya yaring madl�ng s�quit.

�Ngun� sa ab� co! �sauing capalaran!
an�pang halag� nang gay�ng suy�an
cun ang sin-ibig co,i, sa catahimican
ay humihilig na sa ib�ng candun~gan?

Sa sinapupunan nang Conde Adolfo
aquing natatan�o si Laurang sint� co,
camataya,i, nahan ang dating ban~gis mo?
nang d�co damdam�n ang hirap na it�.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 28th Apr 2025, 14:11