Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 5


PUN� NANG SALIT�


Sa isang madil�m g�bat na mapanglao[A]
dauag na matinic, ay ual�ng pag-itan,
halos naghihirap ang cay Febong silang[B]
dumalao sa loob na lubhang masucal.

Malalaquing cahoy ang inihahand�g
pauang dalamhati, cahapisa,t, lungc�t
huni pa n~g ibon, ay nacalulunos
sa lalong matimpi,t, nagsasay�ng loob.

Tan�ng mga baguing, na namimilipit
sa sang� ng cahoy, ay bal�t n~g tinic
may bulo ang bun~ga,t, nagbibigay s�quit
sa cangino pa m�ng sumagi,t, m�lapit.

Ang m~ga bulaclac n~g nag tayong cahoy
pinaca-pamuting nag ung�s sa dahon
pauang culay lucsa, at naquiqui ayon
sa nacaliliong masangsang na amoy.

Caramiha,i, Cipr�s at Higuerang cut�d,[C]
na ang lilim niya�n ay nacasisind�c
ito,i, ualang bun~ga,t, daho,i, malalapad,
na nacadidil�m sa loob ng gubat.

Ang m~ga hayop pang dito,i, gumagal�
caramiha,i, Sierpe,t, Baselisco,i, mad-la,
Hiena,t, Tigreng ganid nanag sisi sila,
ng b�hay n~g tauo,t, daigu�ng capoua.

Ito,i, g�bat manding sa pinto,i, malapit
n~g Avernong[D] Reino ni Plutong masun~git[E]
ang nasasacupang lupa,i, dinidilig[16]
n~g ilog Cocitong camandag ang t�big.[F]

Sa may guitn� nito mapanglao na gubat
may punong Higuerang daho,i, culay pup�s,
dito nagagapos ang cahabag habag
isang pinag usig n~g masamang palad.

Bagong tauong basal, na ang anyo,t, tindig[17]
cahit natatal� camay, pa�,t, liig
cund� si Narciso,i,[G] tunay na Adonis[H]
muc-ha,i, sumisilang sa guitn� n~g s�quit.

Maquinis ang bal�t at anaqui buroc
pilicmata,t, quilay mistulang balant�k
bagong sap�ng guinto ang c�lay n~g buh�c
sangc�p n~g cataua,i, pauang magca-ayos.

Dan~gan doo,i, ualang Oreadang Ninfas,[I]
g�bat na Palacio n~g masidhing Harp�as,[J]
nangaaua disi,t, na acay lumiyag
sa himal�ng tipon n~g caricta,t, hirap.

Ang ab�ng oyamin n~g d�lita,t, s�quit
ang dalauang mata,i, buc�l ang caparis,
sa l�hang nanat�c, at tinan~gis-tan~gis
ganito,i, damdamin n~g may auang dibdib.

Mahiganting lan~git, ban~gis mo,i, nasaan?
n~gayo,i, naniniig sa pagc�-gulaylay
bago,i, ang bandil� n~g lalong casam-an[18]
sa Reinong Albania,i, iniuauagayuay?

Sa loob at lab�s, n~g bayan cong sau�
caliluha,i, siyang nangyayaring har�
cagalin~ga,t, bait ay nalulugam�
inin�s sa hucay nang dusa,t, pighat�.

Ang magandang asal ay ipinupuc�l
sa l�ot n~g dagat n~g cut-ya,t, lingatong
balang magagal�ng ay ibinaba�n
at inalilibing na ual�ng cabaong.

N~guni, ay ang lilo,t, masasamang lo�b
sa trono n~g puri ay inalulucloc
at sa balang suc�b na may asal hayop
maban~gong _incienso_ ang isinusuob.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Mon 28th Apr 2025, 2:34