Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 20

Baras ng matouid ay linapastangan
ng lubh�ng marah�s na capighatian,
at sa isang titig ng palalong lumb�y
diua,i, lumilip�d niyaring cati-isan.[46]

Anopa,t, sa bang�s ng dusang bumugs�
minamasar�p cong mut�c yaring p�s�
at ng ang camand�g na nacapupun�
sumamang dumaloy sa �gos ng dug�.

May dalau�ng buang hind� nacatiqu�m
ac� ng linamn�m ng payapa,t, aliu,
icalauang s�lat ni ama,i, dumat�ng
sampo ng sasakiang sumundo sa aqu�n.

Sa�d sa calatas ay bigl�ng lumulan
at ac�,i, omoui sa Albaniang bayan
sa aquing Maestro ng napaa�lam
aniya,i, "Florante bilin co,i, tandaan.

Houag malilin~gat, at pag ingatan mo
ang higant�ng hand� ng Conde Adolfo
pail�g-il�gang parang baselisco[47]
s�cat na ang titig na mat�y sa iy�.[48]

Cun ang isalubong sa iy�ng pagdating,
ay masay�ng muc-ha,t, may paquitang giliu,
lalong paingata,t, caauay na lihim
siyang isa-isip na cacabacahin.

Dapoua,t, houag cang magpapahalat�
tar�c mo ang lalim n~g caniyang n�s�
ang sasandatahi,i, lihim na ihand�,
n~g may ipagtangol sa arao ng digm�.

Sa mauica it� l�ha,i, bumalisb�s,
at ac�,i, niyacap na pinacahigp�t,
hul�ng tagubilin "buns�,i, catiti-is
at hinhintay ca ng maraming s�quit.

At mumul-�n mona ang paquiquilaban
sa mund�ng bayaning p�nong caliluhan"
hind� na natapus, at sa calumbayan
piniguil ang dil� niyang pagsasays�y.

Nagca-bitiu caming malunb�y capou�
tan�ng ca-escuela mata,i, lumuluh�
si Minandro,i, labis ang pagdar�lit�
palibhasa,i, tap�t na capou� bat�.

Sa pagca-calapat n~g balicat namin
ang mut-y�ng catoto,i, di bumitiu-bitiu
hangang tinulutang sumama sa aquin
ng aming maestrong caniyang ama�n.

Ya�ng pa-alama,i, anopa,t, natapos
sa pagsasaliuan n~g madl�ng himut�c,
at sa cain~gaya,t, gul� n~g _adios_
ang bunt�ng hinin~g� ay naquiquisag�t.

Mag pahangang da�ng ay nagsipatnubay
ang aquing maestro,t, casamang iiuan;
homihip ang han~gi,t, ag�d nahiual�y
sa pasig Atenas ang aming sasaqui�n.

Bininit sa b�sog ang siyang catulad
n~g t�lin n~g aming da�ng sa paglayag,
cay� d� nalaon pa� co,i, yumapac
sa dalampasigan ng Albaniang Ciudad.

Pag-ahon co,i, ag�d nagtuloy sa Quinta,
d� humihiualay ang catotong sint�;
pag-hal�c sa cam�y n~g poong cong Am�.
lumala ang s�quit n~g dahil cay In�.

Nagdurugong mul� ang sugat n~g p�s�
humigu�t sa una ang dusang bumugs�,
nauicang casun�d n~g l�hang tumul�
�ay Am�ng! casabay n~g b�ting �ay bunso!

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sat 20th Dec 2025, 10:28