Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 18

Mahinh�n ang asal na hind� magas�
at cong lumacad pa,i, palaguing patung�,
mabining man~g�sap at ual�ng catalo
lapastan~ganin ma,i, hindi nabubuy�.

Ano pa,t, sa bait ay siyang huaran[40]
n~g nagcacatipong nagsisipag-aral,
sa gau� at uica,i, d� mahuhulihan[41]
n~g munting panir� sa magandang asal.

Ni ang catalasan n~g aming maestro
at pagca-bihasa sa lacad n~g mund�,
ay hind� natar�c ang lihim at tungo
ng p�song malihim nitong si Adolfo.

Ac�ng pagcabata,i, ang quinamulatan
cay am�,i, ang bait na d� p�imbab�o,
yaong namumunga n~g caligayahan,
nanacay sa p�song suyui,t, igalang.

Sa pinagtatac-h�n n~g bong escuela,
bait ni Adolfong ipinaquiquita,
d�co malasap�n ang haing ligaya
n~g magandang asal n~g am� co,t, i�.[42]

P�so co,i, ninilag na siya,i, guiliuin,
ayauan cun baquit at naririmarim,
si Adolfo nama,i, gayon din sa aquin,
nararamdam�n co cahit lubh�ng lihim.

Arao ay natacb�, at ang cabata-an
sa pag-aaral co sa qui,i, nananao,
bait co,i, luminis at ang carunungan
ang bul�g cong �sip ay c�sang dinamt�n.

Natar�c ang lalim n~g filosf�a,
aquing natutuhan ang astrolog�a,
natant�ng malinis ang catac�-tac�
at mayamang dunong n~g matem�tica.

Sa loob n~g anim na ta�ng lumacad
it�ng tatl�ng dunong ay aquing nayacap
tan�ng casama co,i, nagsi-pangilal�s
samp� n~g maestrong toua,i, dili hamac.

Ang pagcatutu co,i, anaqui himal�,[43]
samp� ni Adolfo,i, naiuan sa guitn�,
maingay na lamang taga pamalit�,
sa boong Atenas, ay gum�l�-gal�.

Cay� n~g� at ac� ang naguing hantun~gan
tungo ng salita n~g tauo sa bayan,
mul�ng b�ta,t, hangang catanda-tandaan,
ay nacatalast�s n~g aquing pan~galan.

Dito na nahubd�n ang cababayan co
n~g hir�m na bait na binalat-cay�,
cahinhinang �sal na paquitang tauo
naquilalang hind� bucal cay Adolfo.

Matant� n~g lah�t na cay� nanamit
niya�ng caba-itang di taglay sa dibdib,
ay nang maragdag pa sa t�las nang isip
it�ng capurih�ng mahinhi,t, mabait.

Ang lihim na it�,i, caya nahalat�,
dumating ang arao nang pagca-catoua,
caming nag aaral bagong tauo,t, bat�
sari-saring laro ang minunacala.

Minul�n ang gal� sa pagsasayauan[44]
ayon sa m�sica,t, auit na saliuan,
lar�ng bun�,t, arn�s na quinaquitaan
nang cani-caniyang licsi,t, carunungan.

Sac� ilinab�s namin ang tragedia
nang dalauang ap� nang t�nay na in�,[AF]
at man~ga capatid nang nag-iuing am�ng
an�c at esposo nang Reina Yocasta.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Thu 18th Dec 2025, 21:10