|
Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 14
Ipina-n~gan~ganib, ay bac� mabigl�
magtuloy mapatid hiningang mahin�
hinint�y na lub�s niyang mapayap�
ang loob n~g cand�ng na lipus d�lit�.
Nang muling mamulat ay naguiclahanan
"�sino? �Sa aba co,t, na sa morong camay!"
ibig na i-igt�d ang lun�ng catao-�n,
nang hind� mangyari,i, nag-ngalit na lamang.
Sag�t n~g guerrero,i, houag na man~ganib
sumapayapaca,t, mag aliu n~g dibdib
n~gayo,i, ligtas cana sa lah�t nang s�quit
may c�long sa iyo ang nagtatangquilic.
Cung nasusucl�m ca sa aquing candun~gan,
lason sa p�so mo nang hindi binyagan,
nacucut-ya ac�ng d� ca saclolohan
sa iyong nasapit na napacarau�l.
Ipina-hahay�g n~g pananam�t mo
tag� Albania ca at aco,i, Perciano
icao ay caauay n~g baya,t, secta co,[R]
sa lagay mo n~gayo,i, magcatoto tayo.
Moro aco,i, lub�s na t�ong may dibdib,
ay nasasacalo rin ng �tos ng Lan~git,
dini sa p�so co,i, cusang natititic
_natural na leyng_ sa ab�,i, mahapis.
Anong gagau�n co,i, aquing napaquing�n
ang iyong pagtaghoy na calumbay-lumbay,
gap�s na naquita,t, pamu-mutiuanan
ng dalau�ng g�nid, n~g bang�s na tangan.
Nagbunt�ng hini~g� itong ab�ng calong
at sa umaaliu na moro,i, tumug�n,
"cund�mo quinal�g sa punu n~g cahoy,
nalib�ng na ac� sa tiy�n n~g Le�n.
Payapa na nam�n disin yaring dibdib;
napag-quiquilalang ca-auay cang labis
at d� binaya-ang nagca-patid-patid,
ang aquing hinin~g�ng camataya,t, saquit.[39]
It�ng iy�ng aua,i, d� co hinahan~g�d,
pata�n mo ac�,i, siyang pitang hab�g,
dimo tant� yaring binabat�ng hirap
na ang camatayan ang b�hay cong hanap.
Dito napahiyao sa malaquing hapis
ang morong may �ua,t, l�ha,i, tumaguist�s,
siyang itinug�n sa uicang narin~gig
at sa panglolomo,i, cusang napahilig.
Ano pa,t, capoua hindi macaquib�
d� nanga-calaban sa damdam ng p�s�
parang ual�ng malay, hangang sa magt�go,t,
humilig si Febo sa hihig�ng guint�.
May �uang guerrero ay sa maramdaman
malam-l�m na sinag sa g�bat ay nanao,
tinunt�n ang land�s na pinagda-anan
dinal� ang calong sa pinangalingan.
Doon sa naunang hinint�ang daco
nang masoc sa g�bat ang bayaning moro
sa isang malapad, malinis na bat�
c�sang pinag-yaman ang lugaming pangc�.
Cumuha ng munting b�ong macacain,
ang angdaralit�,i, inamong tumiqu�m
cahit uma-ayao ay nahicayat din
nang sabing malamb�t na pauang pag-aliu.
Nalouag-louag�n ang pang-hihin~gapus
sapagca,t, na-auas sa pagcadayucd�c,
hind� quinucusa,i, tant�ng nacatulog,
sa sinapupunan nang guerrerong bant�g.
Previous Page
| Next Page
|
|