Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 9

Iniabot niya cay Juan ang bat�
at pinag bilinang ang uica,i, ganito,
pacaiin~gatan at mamahalin mo
houag masasabi sa alin ma,t, sino.

At ang bat�ng iya,i, ang virtud na dala
anomang hin~gin mo,i, agad bibigyan ca,
pacamamahali,t, in~gatan mo siya
houag masasabi sa ama mo,t, in�.

Tumangap nang touang hindi ano lamang
pag papasalamat niya,i, ualang hangan,
nuno po,i, sa inyong caloob at bigay
ano cayang aquing igaganti naman.

Sag�t nang matanda,i, houag cang manimdim
at anoma,i, houag may alalahanin,
anopa,t, ang aquing muli,t, muling bilin
dati mong ugali houag babaguhin.

At halos dagdagan pag tauag sa Dios
pa pag-alabin mo puso sa pag-irog,
pag papalain ca,t, gagantihing lub�s
loualhating gloriang ualang pagcatapos.

Saca napaalam matanda,i, nalis na
at si Juang Tamad iniuan na niya,
sa canyang oyayi nahilig pagdaca
cartilla,i, tinangna,t, canyang binabasa.

Uala siyang tahan nang quinabubuclat
fojas nang cartilla,i, nababasang lahat,
na ang sinasambit sa canya,i, igauad
nang Dios na Am� yaong graciang uag�s.

Saca yaong tatlong cabanalang lub�s
na dapat sunurin nang tauong cristianos,
inuulit ulit na uicang mata�s
na manampalataya,t, manalig sa Dios.

At yaong icatlo ay pacaibiguin
ang Am�ng Maycapal sambahi,t, purihin,
ang capoua tauo,i, sintahi,t, ibiguin
para nang pag-ibig sa sariling atin.

Salit salit itong canyang binabasa
touing bubuclatin sulat na cartilla,
naguing ganting p�la ay binigyan siya
bat�ng encantadong lubhang mahalaga.

Mahabang panah�ng canyang in~gat-in~gat
ni sinoma,i, uala na na cacamatyag,
bilin nang matanda,i, canyang guinagan�p
pag mamahal niya,i, ualang macatulad.

Nang siya,i, mabigyan niyong Nuno niya
bat�ng encantadong perlas ang capara,
isang arao n~gani na icacain na
sa bat�,i, humin~gi nang isang comida.

At uinica niyang icao aquing bat�
na bigay sa aquin matandang Nuno co,
icao ay mag handa n~g putahing husto
na aquing cacani,t, nagugutom aco.

Ualang liuag liuag lumabas na agad
ang isang lamesa,t, casangcapang lahat,
sari saring lutong man~ga masasarap
nacaliligaya sa mat�ng mamalas.

Dumul�g na siya at agad cumain
man~ga catouaa,i, di sucat sabihin,
saca nang matapos ang ipinag turing
icao aquing bat� ligpitin n~gayon din.

Nasunod na lahat man~ga cahilin~gan
lamesa at lahat agad nang naparam,
pag papasalamat niya,i, ualang hangan
sa matandang Nunong sa canya,i, nagbig�y.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Fri 10th Jan 2025, 14:49