Búhay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na Anac ni Fabio at ni Sofia by Anonymous


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 4

Esposong si Fabio,i, siyang sabihin co
caya cun umoui ay nag mamacatlo,
hanap b�hay niya na pag jujuego
sinasam� siya at palaguing talo.

Siya ma,i, narating sa canilang bahay
cun minsan ay di na naoosisa man,
ang an�c na bugt�ng na sa puso,i, mahal
loob ay balisa,t, ualang mapuhunan.

Mana,i, isang arao ang uica ni Fabio
esposa cong sinta tanong co sa iyo,
�baquin baga aco,i, touing paririto
di co naquiquita ang an�c tang buns�?

Sintang esposo co sag�t ni Sofia
di anong gagauin sa Dios talaga,
di mo n~ga talastas at dito,i, uala ca
m~ga cagauian nang buns�ng an�c ta.

N~gayo,i, ang tauag co ay si Juang Tamad
dahil sa ugaling caiba sa lahat,
touing macacain panaog na agad
pupunta sa pul� sa loob nang gubat.

Aquing sasabihin at nang matanto mo
cabiac nang pusong casi,t, esposo co,
buns�ng an�c nata,i, pagcacaalis mo
ay palaguing uala,t, di nasusugo co.

Cung aquing hanapi,t, tingnan sa laroan
sa m~ga barcada batang caramihan,
ay hindi calar� uala,t, cung nasaan
loob co,i, agad na na malulupaypay.

Babalic na acong puput�c ang dibdib
sa di pagcamalas sa an�c tang ibig,
sa daluang mat� co luha,i, nabalisbis
sa iyo esposo ay inihihibic.

Di co pag aanhin mana,i, isang arao
ang loob co,t, puso,i, di na mapalagay,
niyong matanghaling tatapat ang arao
oras nang pagcain dumating na naman.

Nasoc sa isip co,i, aquing susubuquin
pinag aban~gan co niyong macacain,
tica nang loob co ay aquing susundin
ang pinarorona,i, n~g aquing malining.

An�c ta,i, nanaog n~g macacain na
sumusunod acong na sa huli niya,
uala siyang malay at di naquiquita
naalman co yaon na tahanan niya.

May cahoy na Betis san~ga,i, malalabay
sa loob nang pul� na pinalinisan,
sa cahoy na yaon siya ay nag lagay
man~ga baguing hagting parang oyayihan.

Ang sag�t ni Fabio �oh Jes�s na Am�!
ano caya,t, gayon ang an�c tang sinta,
lulan niring dibdib at nasang talaga
papapag-araling capara nang iba.

Di anong gagauin ay cun siyang bigay
sa atin nang Dios na Am�ng Maycapal,
ay houag isucal puso,t, calooban
lagacan din siya niyong graciang mahal.

Nagsama ang dalua,t, naparoong tiquis
pul� ay sinoot at ibig mabatid,
nang si Juan Tamad datna,i, nahihilig
himbing nang pagtulog at hilic na hilic.

Dinulog nang am�ng marahang marahan
an�c niyang buns� ay canyang pinucao,
guising ca an�c co at paquimatyagan
acong iyong am� na na sa ligamgam.

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Thu 9th Jan 2025, 2:12