Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 33
Sa real palacio,i, ipinatauag na
si Jua,t, princesang si Do�a Leonila,
nang dumating doon uica sa canila
mabuti at cayo ay naririto na.
N~gayon ay aco ay mag papabando
na man~gag si pag-gayac ang tauo sa reino,
m~ga bahay bahay lagyan nang damasco
calle ay tabin~ga,t, man~gag linis cayo.
Muralla,i, gayon din na ipinagayac
sampong artificiong caguila-guilalas,
at sa coronaci�n sa arao nang bucas
ang lahat nang ito,i, sususuhang lahat.
Corona sa ulo ay n~g maputong na
cay Don Juang Tamad na manugang niya,
nagsay�ng totoo reino nang Espa�a
ang lahat n~g tauo ay nan~gag viviva.
Ca��n sa muralla,i, sinusuhang lahat
sampong artificiong caguila-guilalas,
sa lahat n~g calle sa loob n~g ciudad
hicap ang m�sicos say�ng ualang lipas.
At nan~gag viviva ang maraming tauo
sayang ualang humpay sa loob n~g reino,
buhayin n~g Dios na mahabang tiempo
si Don Juang Tamad hari naming bago.
Sabihin ang husay nang gomobierno na
sa boong Espa�a haring bago nila,
grandes consejeros casamang lahat na
ualang pagcaronan ang toua sa canya.
At gayon din naman sa sino,t, alin man
pareho sa canya mahirap mayaman,
castigo ay lagd� sa may casalanan
ley nang matouid hindi nasisinsay.
Nang maguing hari na ay nagsabi siya
sa casi,t, esposang reina Leonila,
ang am�,t, in� co,i, inaala-ala
ating ipacaon dito na matira.
O� anang reina di lalong mabuti
ipacaon mo n~ga magulang mong casi,
cun dirito sila sa arao at gabi,i,
mayroong titin~gi,t, mag cacalauin~gi.
Ipinacaon na yaong mag-asaua
ni Fabio,t, Sofia am�,t, in� niya,
ano,i, nang dumating toua,i, sabihin pa
sa real palacio,i, capisan na nila.
Yaong si Ursula ay guinanti naman
ni Do�a Leonila na reinang maran~gal,
sa iyong servicio,i, ang pala cong bigay
isa ca sa dama sa palacio real.
Ito ang nasapit siyang naguing hanga
ni Juang Tamad na isang hamac na,
sa lagac na gracia n~g Dios na Am�
sinapit n~g palad hari sa Espa�a.
FIN
[Patalastas: Imprenta at Librer�a ni J. Martinez]
End of the Project Gutenberg EBook of B�hay na Pinagdaanan ni Juan Tamad na
Anac ni Fabio at ni Sofia, by Anonymous
Previous Page
| Next Page
|
|