Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 4
Caya pangagaling, p�, namin sa Simbahan ay cumacain po, cami, �
humuhigop caya nang balang nacayanan ihanda ni ina, at siya na, p�,
yaon na, p�, cami nang tatay sa amin-aming guinagua, na ualang oui sa
bahay cundi nang sangdaling _oras_ sa _pag-aalmorsal_, nang dacong _a
las nueve_, at saca sa pagcain nang tanghaliang pagtugtog nang _a las
doce_, cung sacali,t, hindi, p�, cami pinacacain nang may _patrabajo_
� nagpapagaua sa amin.
Pag-oui, p�, namin cung gabi, na pagcatapos nang aming gaua, ay
pinahahapon co, p�, ang aming manga hayop, � liniligpit co caya ang
manga casangcapang aming guinamit. Nagpapahinga, p�, cami nang caunti,
at tuloy nagdadasal cami nang santo Rosario, na ualang _capallapalla_
gabi-gabi, maguing ano ang hirap nang catauoan namin ni tatay. Ang
minamatouid ni Ina, cun cami dumadaing, ay ganoon: _Ang pagdarasal,
aniya, nang santong Rosariong gabi-gabi, ay hindi nagbibigay-pagod,
cundi bagcus isang malaquing caguinhauahan nang caloloua,t, catauoan_.
Pagcatapos nang dasal namin, cami, po,i, cumacain nang hapunan, at
saca nagsasalitaan cami nang caunting casama nang aming capitbahay at
ibang caquilalang napapa roon sa bahay, at pagtugtug nang _� las
diez_, ay ligpit na caming lahat sa cani-canilang bahay at banig, at
ang minamatouid, p�, nang tatay co, ay masamang totoo, rao, na mapuyat
cung gabi ang tauong nagpapaupa, sapagca,t, cung umaga,i, mag aantoc
at matatamad tuloy.
Doon, p�, sa buhay at lagay cong yao, ay mayroon acong nararamdamang
isang bagay, na di matatalastas co ang pinangagalingan. Aco, p�,i,
hindi lumiligao; hindi palagala; hindi palapanaog; uala rin sa loob co
ang pag-aasaua; ay, cung baquit, p�, aco,i, guinitian nang pag-ibig sa
isang dalagang capitbahay co, p�, at _casing edad_ co naman.
Pinaglabanan co p�ng totoo, at pinangatauoanan cong patayi,t, bunutin
itong minamasama cong binhing tumutubo sa aquing dibdib, at hindi co,
p�, macuhang patayin, cundi bagcus, ang damdam co, po,i, lalo,t,
lalong lumalago at tumataimtim sa aquing puso. Gayon man, ay
pinipiguil cong maigui ang aquing calooban, at hindi aco nagsalita sa
babaying yaon nang isa mang uica lamang tungcol sa humahalungcay nang
loob co. Cami, p�, lamang ay nagbabatian nang ugaling bati nang manga
capitbahay, at siya na, p�.
Subali,t, sa hindi co, p�, matiis itong nangyayari sa aquin, na
iquinagugulong totoo nang aquing loob at pag-iisip, tulog man, �
guisin man aco, ay ninanasa cong totoong ipahayag sa nanay co itong
bagay na ito; caya, p�, minsang nagcataong cami ni inda ay nag-iisa sa
bahay, ay binucsan co ang aquing loob cay nanay, at nag-uica aco sa
caniya nang ganon:
Nanay, mayroon, p� acong ibubulong sa inyo; datapoua,t, houag, p�,
cayong magalit sa aquin, cung sacali,t, mali ang aquing sasabihin.
Baliu na baliu ca, ang uica sa aquin ni ina. Baquit, aniya, baquit
aco,i, magagalit sa iyo, maguing ano ang ibubulong mo sa aquin? Di
baga sinabi co,t, ipinagbilin sa iyo, na houag mong ilihim sa aquin
ang ano-anomang mangyayari sa iyo, � nararamdaman mo caya, nang
cata,i, gamutin, cung cailangan mo ang gamot; nang cata,i, aliuin cung
cailangan mo ang aliu; nang cata,i, hatulan, cung cailangan mo ang
matouid na hatol; at nang cata baga,i, _paloi,t,_ parusahan, cung
cailangan mo ang _palo_ at parusa? Caya, magsabi ca na, at houag cang
matacot, at hindi aco magagalit. �_Segurong-seguro_, ang dagdag na
uica ni nanay _segurong-seguro_ icao,i, may _novia_, cung caya,i,
palico-lico ang iyong salita! Ay ano, di baga totoo?
Baga man, p�, nahiya acong totoo dito sa uinica ni nanay, ay
nagpacatapang din aco, at tila,i, nagcaroon nang caunting lacas ang
aquing loob, caya ang sagot co sa aquing ina,i, ganito:
Nanay, cung sa natuturang _novia,i,_ uala, p�, acong novia; subali,t,
mayroon dito sa ating calapit isang dalaga, na palagui p�ng sumasagui
sa aquing loob at pag-iisip, dahilan sa minamabait cong totoo siya, at
minamagaling co naman ang caniyang ugali. Di co, p�, mapagpag-pagpag
ang pag-aalaala sa caniya arao,t, gabi. Ano pa, p�? Cung sasabihin co,
p�, ang lahat nasasacalooban co, ay sasabihin co, p�, sa inyo, na ang
ibig at nasa nang aquing loob, ay ang siya lamang at houag ang iba,
ang maguing asaua co, cung baga pahintulutan nang Panginoon Dios, na
aco,i, mag-aasaua.
At sino, ang tanong sa aquin ni inda, sino cayang ngalan niyang
dalagang sinasabi mo, sapagca,t, dito sa ating calapit ay maraming
dalaga?
Previous Page
| Next Page
|
|