Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 2
--Patauarin, p�, ninyo aco; ipatauad, po, ninyo sa aquin ang
pagpapaualang galang co, po, sa inyo.
--Aco, p�, ang sagot co; aco, p�, ang dapat patauarin ninyo,
sapagca,t, aco,i, siyang nagbigay galit sa inyo, baga man p�,t, hindi
inaabot nang aquing pag-iisip, cung ano,t, an�ng iquinagagalit ninyo
sa aquing salita.
--Houag, p�, ninyo acong cayamutan ang uica ni matandang Basio; houag,
p�, ninyo acong cainipan, at matatastas din, po, ninyo cung baquit
nasira ang aquing loob doon sa sinabi, p�, ninyong tungcol sa
pag-aaral nang uicang castila, at sa pagdidirectorcillo.
Inyo pong salitain ang uica co, ang balang maguing gusto ninyo, at
malaqui ang toua cong maquinig sa inyo.
Ang una-unang ibig co pong maalaman ninyo, ay ang naguing buhay cong
magmula sa pagcabata co, na hangan dito sa oras, na hinaharap natin,
at saca,i, sasalaysayon co, p�, sa inyo ang puno at dahilan nang
pagcagalit co sa inyong salita cangina.
Cayo, p�, ang bahala, ang sagot co. Umupo lamang tayo dito sa papag,
at habaa,t, habaan, po, ninyo ang inyong salita, na hindi co, po,
cayong cayayamutan.
Cung ganoon, po, aco,i, sasapol na.
II
Aco, po, ang uica nang matandang Basio, ay anac nang taong mahihirap,
na manga maglulupa, manga opahan, subali,t, matatacutin sa Dios.
Maliit na maliit pa aco, na hindi pa halos marunong magusap, ay
pilipilit na, po, acong pumasoc sa escuelahan arao-arao na ualang
falla.
Ang aquin pong maestro, ay isang mabait na mabait na matanda, na ang
ngala,i, si Gregorio, na cung taunguin naming manga bata,i, cacang
Yoyo. Totoong naibiguin siya sa aming mang escuela, nguni,t, mabagsic,
po, namang siyang totoo, cung cami ay sumasala sa leccion, o sa iba,t,
ibang itinuturo niya sa amin. Uala pong sino sa kaniya; ang may
casalanan ay pinarurusahan nang tapat na parusa, ay siya na; hindi,
po, niya tinitingnan, cung ang batang nacacasala ay anac nang
mayayaman o mahihirap na tauo. Ang caniyang sinusunod ay ang
catampatan; sa macatouid: ang dapat pong parusahan, ay pinarurusahan,
niya, at ang dapat purihin ay pinupuri niya, maguing sino ang
tinatamaan.
Caya, po, malaqui ang aming tacot sa maestrong yaon, at malaqui, po,
naman aming pag-galang at pag-ibig sa caniya. Dahilan, dito,i, cami
pong manga bata,i, sunod sunuran sa caniya, na ang cadalasan,i, hindi
pa tapos ang caniyang utos sa amin, ay cami patacbo na sa pagsunod
nang ipinag-uutos niya sa amin.
Yaon pong, matandang yaon ay totoong quinacaibiga,i, guinagalangan
nang buong bayan, baga man hindi siya marunong nang uicang castila, na
paris nitong manga maestrong bagong litao ngayon, na ang pangala,i,
normal, na cahima't, casing-itim co, � maitim pa sa aquin, ay
nagsosoot nang levita � cung ano cayang tauag doon sa isinosoot nilang
damit, at naquiquipantay sila sa manga C�pitan, at sa manga Cura pa,
na, (tabi sa di gayon,) tila,i, cung sino silang mahal na tauo.
Ang naturan cong matandang maestro namin ay ualang sariling calooban,
bagay sa pagtuturo at pangungosiua sa aming manga bata. Hindi siya
cumiquilos; hindi siya nagbibigay nang bagong utos, cundi cumuha siya
muna nang tanong at sanguni sa aming maguinoong Capitan, at
lalong-lalo sa aming cagalang-galang sa Padre Cura. Caya, p�, matanda
at bata ay umaalinsunod sa caniya, palibhasa,i, talastas nang lahat,
na hindi siya mangangahas na mag-utos nang anoman, cundi naalaman muna
nang aming Cura.
Baca, p�, ang tanong sa aquin ni tandang Basio, pagdating dito sa
lugar na ito nang caniyang salita; maca, po,i, iquinayayamot, p�,
ninyo itong aquing mahabang salita?
Hindi po, hindi p�, ang aquing sagot sa caniya; caya ituloy p�,
ninyo,t, ituloy ang inyong historia, na cahit anong haba, ay
mamasarapin cong paquingan.
Previous Page
| Next Page
|
|