Florante at Laura by Francisco Balagtas


Main
- books.jibble.org



My Books
- IRC Hacks

Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare

External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd

books.jibble.org

Previous Page | Next Page

Page 3

* * * * *
Sa dakong huli ay may mga paliwanag na makikita, na aming ginawa,
bukod pa sa mga sariling paliwanag ni Baltazar sa kanyang akdang ito.
Lahat nang may bilang na ganito ay siyang amin, na pinagsunodsunod sa
dakong huli. At ang paliwanag sa bilang na ito (1) ay makikita sa
unahan ng lahat nang paliwanag namin.




CAY CELIA


Cong pag saulang cong basahin sa isip[2]
ang nan~gacaraang arao n~g pag-ibig,
may mahahaguilap cayang natititic
liban na cay Celiang namugad sa dibdib?

Yaong Celiang laguing pinan~gan~ganiban
baca macalimot sa pag-iibigan;
ang iquinalubog niyaring capalaran
sa lubhang malalim na caralitaan.

Macaligtaang co cayang di basahin[3]
nagda�ng panah�n n~g suyuan namin?
caniyang pagsint�ng guinugol sa aquin
at pinuhunan cong pagod at hilahil?

Lumipas ang arao na lubhang matamis
at ual�ng n�tira condi ang pag-ibig[4],
tapat na pag suyong lalagui sa dibdib
hanggang sa libin~gan bangcay co,i, maidlip.

N~gayong namamanglao sa pan~gon~golila
ang guinagaua cong pag-alio sa dusa
nag daang panaho,i, inaala-ala,
sa iyong laraua,i, ninitang guinhaua.

Sa larauang guhit n~g sa sintang _pincel_
cusang ilinimbag sa puso,t, panimdim,[5]
nag-�isang sanl�ng naiuan sa aquin
at di mananacao magpahangang libing[6].

Ang caloloua co,i, cusang dumadalao
sa lansan~ga,t, n�yong iy�ng niyapacan
sa ilog Beata,t, Hilom na mababao
yaring aquing puso,i, laguing lumiligao.

Di m�macailang mupo ang panimdin
sa puno n~g mangang n�raanan natin,
sa nagbiting bun~gang ibig mong pitas�n
ang ulilang sinta,i, aquing in�aliu.

Ang catauhang co,i, cusang nagtatalic
sa buntong-hinin~ga nang icao,i, may saquit,
himutoc co niyao,i, inaaring Lan~git
Paraiso nam�n ang may tulong sil�d.

Liniligauan co ang iyong larauan
sa Macating ilog, na quinalagui-an[7]
binabac�s co rin sa masay�ng doon~gan,
yapac n~g pa� mo sa bat�ng tuntun~gan.

Nag babal�c mandi,t, parang hinahanp
dito ang panah�ng masay�ng lumipas
na cong maliligo,i, sa tubig �agap,
nang hindi abutin n~g tabsing sa dagat.

Parang naririn~gig ang lagu� mong uica
"_tatlong arao na di nag tatanao tama_"
at sinasagot co ng sabing may tou�
_sa isa catauo,i, marami ang handa_.

Ano pan~ga,t, ualang d� nasisiyasat,
ang pagiisipco sa touang cumupas
sa cagugunit�, luha,i, lalagasl�s
sabay ang taghoy cong "��, nasauing palad!"

Nasaan si Celiang ligaya ng dibdib?
ang suyuan nami,i, baqu�t d� lumauig?
nahan ang panah�ng is� niyang titig
ang siyang b�hay co, caloloua,t, Lan~git?

Previous Page | Next Page


Books | Photos | Paul Mutton | Sun 27th Apr 2025, 10:42