Main
- books.jibble.org
My Books
- IRC Hacks
Misc. Articles
- Meaning of Jibble
- M4 Su Doku
- Computer Scrapbooking
- Setting up Java
- Bootable Java
- Cookies in Java
- Dynamic Graphs
- Social Shakespeare
External Links
- Paul Mutton
- Jibble Photo Gallery
- Jibble Forums
- Google Landmarks
- Jibble Shop
- Free Books
- Intershot Ltd
|
books.jibble.org
Previous Page
| Next Page
Page 1
"Di co hinihinging pacamahalin mo tauana,t, dustain ang abang
tula co gauin ang ibigui,t, alpa,i, na sa iyo ay houag mo lamang
baguhin ang verso".
Naipagwawalang bahala? Walang alinlangan. Pinatutunayan ng mga
pangyayari. Nguni't maaari namang paniwalaang hindi sa atas ng
masamang hangad na "paalatin ang matatamis na tula" kundi bagkus pa
ngang sa magandang nais, na lalo pang mapatamis. Lalong mapasarap.
Lalong mapabuti. Lalong maitumpak. Gayon man, at maging gaano man
kabanalang ganyang nais, ay di rin maipagkakailang tunay na
pagwawalang bahala sa tagubilin at tunay na ipinagkakamit ng malubhang
kasalanan ni Sigesmundong dinadaliri ng dakilang Makata.
Kailangan ngang kung ano ang akda ng dakilang Makata ay siyang
papanatilihing buhay magpakailan man, walang munti mang pagbabago, sa
maging labis man o kulang, kahi't mali mang nakikita. Ni isang titik,
ni isang kuwit--maliban na nga lamang kung hindi maiwasan dahil sa
makapangyarihang atas ng panibagong alituntunin sa pagsulat.
Sinasabing ni saan man ay wala na ngayong matatagpuang isa mang salin
ng "Floranteng" limbag noong buhay pa si Balagtas, at may paniwalang
ang iniingatan ni Dr. Pardo de Tavera ay siyang matanda sa lahat nang
nakatago ngayon; nguni't sa kagandahang palad ay sumakamay namin ang
isang salin ng lumabas noong 1861, linimbag sa papel Tsina ng
"Imprenta de Ramirez y Giraudier", at sa kanyang takip na papel
katalan--takip na ilinagay lamang ng maingat na may-ari--ay nakatitik
ito: "Es propiedad de Don Jose Dioniso de Mendoza". Si Balagtas ay
namatay noong ika 20 ng Pebrero ng 1862, sa gulang na magpipitongpu't
apat na ta�n. Kaya, maliwanag, na buhay pa si Balagtas ng limbagin
nina Ramirez ang "Floranteng" sumakamay namin, at matanda pang di
hamak sa iniingatan ni Dr. Tavera, sapagka't ang kanya ay limbag
lamang noong 1870 ng "Imprenta de B. Gonzales Mora" sa Binundok. Siyam
na ta�n nga ang katandaan dito. At kung aalagataing buh�y pa nga si
Balagtas noong 1861 ay walang alinlangang dahil sa pagpipitagan man
lamang sa noon pa ma'y itinuturing nang "Hari ng mga Manunula", ang
sumakamay namin ay di pa "napanghihimasukan ng kamay ni Sigesmundo",
Ang saling iyan ay wala na sa amin, pagka't hindi amin. Naipagparanya
lamang sa amin--dahil sa paglabas noong 1906 ng "kun sino ang kumatha
ng Florante"--ng noo'y nag-aaral pa sa "Escuela de Derecho" at ngayo'y
abogado Alfonso Mendoza, masugid na demokrata; at sa likod ng ilang
buwang pag-iingat at pagsipi namin ay pinagpilitang bawiin ng
nagpahiram, dahil sa minamahal daw mabut� ng kanyang ama, palibhasa'y
sa mga nuno pa nila minana. Isinauli rin nga namin, sa likod ng kung
makailang pagwawalawalaan.
At kamakailang maitanong namin uli sa abogado Mendoza ay ganito ang
isinagot:
--Aywan bag� kung saan na naroon. Tila sira na ang mga unang mukha.
Kaya, nang paroonan ni Epifanio ay aywan kung nakuha niya o hindi....
Si G. Epifanio de los Santos--ang dalubhasang istoriograpo, ang guro,
ang akademiko, ang sumakastila ng "Florante"--ay siyang tinutukoy.
Kami ang sa kanya ay nakapagpahiwatig, upang mapawi ang maling
paniwala, na "wala na ngayong Floranteng limbag nang buh�y pa si
Baltazar." At dahil diyan ay walang salang nagdumaling paroon, upang
makuha--sa paano man--ang mahalagang hiyas ng Literaturang Tagalog na
pinakamamahal niya. Sakaling nakuha niya, kahi't na nga sira-sira, ay
dapat ipagpasalamat, sapagka't parang napalagay sa "kabang may pitong
susi"; nguni't kung hindi, at kung natuluyan na ngang nasira, ay tunay
na kahinahinayang.
Kahinahinayang! Tunay na kahinahinayang!...
Sakaling nasira na nga.
Nguni't gayon man ay may sukat na rin tayong dapat ikaaliw; ang siping
naingatan namin. Pagkakapag-ingat, na maituturing nating isa na ring
tunay na kapalaran, at siping walang munti mang pagbabago, palibhasa'y
pinag-ingatan naming ilagay pati ng kanyang maliliwanag na kamalian sa
limbagan at di dinagdagan, ni kinulangan, ng kahi't na ano.
At ang siping iyang sa huli'y linagyan namin ng mga paliwanag ay
siyang ngayo'y inihahandog namin sa tanang magiliwin at mapagmahal sa
walang kamatayang "Florante at Laura".
Maipaliliwanag naming buh�y pa ang dakilang Makata ay nasasaulo nang
mabuti ng kanyang mga anak ang "Florante at Laura". Paanong di
magkakagayon ay sa pati ng iba't iba pa niyang akda'y nasasaulo rin?
Ang "Florante" pa nga ba ang di mapapakintal sa kanilang ulo? At ang
"Floranteng" nalalaman nila at mapahangga ngayo'y sariwa pa sa isipan
ay isang saling ayon din sa kanilang ama ay siya niyang tunay na gawa.
Dito natin mapagkukuro kung bakit walang kamalian sa mga huling labas
ng "Florante", na di ang di mapupuna nila.
Previous Page
| Next Page
|
|